CHAPTER: 37

349 17 0
                                    

Halos mabutas na ang mukha ni Damian dahil sa talas ng mag tingin na binatato sa kaniya ni Elara, magkasama sila ngayon sa loob ng opisina at kanina pa siya tinitignan ng masama ni Elara at parang pinag-aaralan siya ninto.

"Pwede ba? Matatapos na ang oras ng trabaho mo pero may natapos ka ba? Kanina mo pa ako tinitignan ng masama ah," reklamo ni Damian at pinatay na ang laptop niya.

"Natapos ko naman 'yung trabaho ko," sagot ni Elara at inayos na rin ang mga gamit niya.

"So bakit ang sama mo makatingin sa akin? May nagawa na naman ba akong mali?" Tanong ni Damian dahil hindi niya na naman alam kung ano na naman ang ikinagagalit ni Elara, samantalang ang saya pa nila nung sabado at ilang beses nila ginawa ang bagay na iyon.

"Gusto mo bang mag outing ulit tayo? Kaso baka hindi ko magawa dahil aalis kami nila Lilian at magbabantay sa Summer Sea sa susunod na araw," tugon ni Damian kaya lalong uminit ang ulo ni Elara.

"Ano? Kasama mo si Lilian?" Tanong ni Elara dahil kung kasama si Lilian ay panigurado siyang didikit na naman ito ng didikit sa mate niya.

"Oo, isa siyang gamma. Malakas si Lilian at siya lang ang nag iisang babaeng gamma sa pack natin," paliwanag ni Damian, ayaw niya kasi magkaroon ng misunderstanding sa pagitan nila ni Elara. 

Malakas si Lilian at marami na itong naitulong sa kaniya lalo na sa labanan at pagpapakalakas ng Nightraven, pero kung sasabihin ni Elara na huwag na sumama si Lilian sa grupo ng magbabantay sa Summer Sea ay hindi siya magdadalwang isip na hindi na isama ito.

"Ganoon ba, hindi ko na kailangan sumama no?" Tanong ni Elara dahil alam niyang ibang trabaho na ang gagawin ni Damian.

"Oo mapanganib din, dito ka na lang sa pack house at tulungan si Calix sa mga trabaho niya," sagot ni Damian at tumango na lamang si Elara pero nagtataka siya dahil ilang araw na ring hindi bumabalik si Calix sa pack house nila.

"Pero matanong ko lang, nasaan na nga ba si Calix? Hindi pa ba siya uuwi?" Tanong ni Elara at tumayo na sa kaniyang upuan.

"Saktong uuwi 'yun kapag umalis na kami, kailangan may magbantay sa pack house habang wala ako," tugon naman ni Damian at tumayo na rin. Napayuko si Elara nang maisip na kakailanganin pa rin ni Calix na magbantay ng pack house dahil walang luna na hahawak at magbabantay ninto habang wala si Damian na siyang Alpha.

Iniisip ni Elara na baka wala pa ring tiwala si Damian sa kakayahan niya bilang luna, wala pa siya gaanong alam sa pagpapatakbo ng pack house, at hindi niya pa rin kayang ipagtanggol ito kaya naawa siya kay Calix dahil paniguradong habang buhay niya pa ring magiging trabaho ang lahat ng iyon kung hindi makahanap si Damian ng malakas na mate.

"Sorry Damian, alam kong fated mate tayo at kung gagawin mo akong luna ay wala akong magagawa dahil hindi ko kayang ipagtanggol ang pack natin kapag wala ka," sagot ni Elara at ramdam ni Damian at ni Xavier ang lungkot ni Elara.

"Marami namang paraan para makatulong ka sa pack, isa pa dapat ikaw ang protektahan ng pack na 'to," sagot ni Damian, naglakad siya papalapit kay Elara at niyakap ito.

"Alam kong marami kang magagawa para tulungan ang pack, huwag ka mapressure," dagdag ni Damian at binaon ang kaniyang ulo sa leeg ni Elara.

"Bakit hindi mo pa ako minamarkahan kung ganoon? Nagdadalawang isip ka pa rin ba?" Tanong ni Elara kahit na miske siya ay nagdadalawang isip na kunin ang pwesto ng pagiging luna dahil sa sakit niya at pagiging wolfless niya.

Pero may parte sa kaniya na ayaw niya naman na humanap o magkaroon ng ibang mate si Damian, gusto niya ay siya pa rin ang piliin ninto, dahilan para maguluhan siya sa sarili niyang nararamdaman.

Revenge of a RejectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon