CHAPTER: 100

274 21 0
                                    

Maraming beses na napapansin ni Damian ang kakaibang kilos at pag-iisip ni Elara, madalas itong tulala at malalim ang iniisip lalo na kapag mag-isa ito, may pagkakataon din na tila ba alam na ni Elara ang mga dapat niyang gawin, mga dapat mangyayari dahil alam niya na ang out come ng mga ito.

Pero ang pinaka madalas ay ang mga ganitong pagkakataon kung saan nadudulas siya sa mga sinasabi niya, na para bang may malaki siyang bagay na tinatago sa sarili niya na ayaw niyang makita o malaman ng kahit sino.

Hindi iyong pinipilit ni Damian na alamin, nais niya na si Elara ang kusang magsabi sa kaniya ng mga bagay na ito kapag handa na siya sabihin o ibahagi ito kay Damian. Nais ni Damian na bigyan ng oras at privacy si Elara, ayaw niyang ipilit ang mga bagay na alam niyang makakasakit sa Luna niya.

"Ah... ano," hindi alam ni Elara ang kaniyang isasagot, pano niya ba ipapaliwanag ang bagay na nasabi niya ngayon kay Damian.

"Damian—"

"Ayos lang Elara, hindi mo kailangan pilitin ang sarili mo na sabihin sa akin ang mga bagay na hindi ka pa handa," sagot ni Damian habang may ngiti sa kaniyang mga labi, hinawakan niya ang kamay ni Elara at tinapik-tapik ito.

"Alam ko may mga bagay kang hindi pa masabi sa akin, pero hindi kita pipilitin at handa ako mag-intay hanggang sa ayos ka nang i-share sa akin ang mga 'yan, don't worry andito lang ako at magtitiwala sa'yo," sagot ni Damian, nais niya bigyan ng lakas ng loob si Elara at ayaw niyang ma pressure ito.

Naramdaman naman ni Elara ang sensiridad sa boses ng kaniyang Alpha, pero dahil sa pagmamahal ni Damian at pinapakita nitong pag-intindi sa kaniya ay hindi niya maiwasan na makonsensya. Alam niyang hindi ito ang gustong iparamdaman sa kaniya ni Damian, pero sa sarili niya ay nakokonensya siya na hanggang ngayon ay hindi niya pa rin sinasabi kay Damian ang totoo.

"Ganito rin ba ang nararamdaman mo nung hindi mo masabi sa akin kung bakit hindi mo ako mamarkahan bilang fated mate mo?" Tanong ni Elara kay Damian, nakayuko lamang siya at pinagmamasdan kung pano hawakan ni Damian ang kaniyang mga kamay.

"Bakit nakokonsensya ka ba? Don't be, ayos lang talaga ako," sagot ni Damian sa kaniyang luna pero umiling si Elara. Alam niyang hindi niya habang buhay na maitatago ang totoong nangyayari sa kaniya, alam niya na kung gusto niya makasama si Damian at pagkatiwalaan ito ng buong puso ay kailangan niyang sabihin ang totoo.

Alam niya naman na maiintindihan siya ni Damian at tatanggapin pa rin siya nito, pero hindi niya maiwasan kabahan at matakot lalo na sa trauma na dinanas niya noon. Kinakabahan siya na baka mawala sa kaniya si Damian, na baka maulit ang nakaraan pero ayaw niya naman maglihim habang buhay sa kaniyang fated mate.

"Hindi, sasabihin ko na sa'yo ngayon dahil alam kong ito na ang perfect time para malaman mo ang totoo," sagot ni Elara, kumakabog nang sobrang bilis ang kaniyang dibdib at hindi makatingin nang diretsyo kay Damian.

"Sigurado ka ba? Ayos lang talaga—"

"Hindi! Hindi ayos na mag-intay ka dahil alam ko kung gano kahirap mag overthink sa bagay na hindi mo alam, ayoko maranasan mo 'yun," sagot ni Elara, alam niyang si Damian ang gumawa sa kaniya ng bagay na iyon at ayaw niya naman ibato o konsensyahin si Damian sa mga salita niya pero ayaw niya lang talaga maramdaman ni Damian ang nararamdaman niya nung mga panahon na naglilihim sa kaniya si Damian.

"Sorry, hindi ko gusto mafeel mo 'yung guilt dahil alam ko naman na prinoprotektahan mo ako kaya mo nagawa ang bagay na iyon, pero sa case ko kasi ay talagang pinili ko lang ilihim sa'yo," sagot ni Elara, nararamdaman niya na ang kaniyang lalamunan na sumasakit dahil sa pagpipigil niya ng iyak.

"Ang totoo niyan ay alam ko na ang mga mangyayari sa akin, isang taon nakakalipas," sagot ni Elara, hindi niya rin namamalayan na isang taon na ang nakakalipas simula ng bumalik siya sa nakaraan.

Revenge of a RejectedTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang