CHAPTER: 85

356 28 4
                                    

"So anong ginawa mo? Pinaalis mo naman kaagad siya? Kailangan mong maging maingat sa kaniya Luna Elara, hindi natin alam kung ano ang tinatakbo ng utak ng bampira na 'yun," gulat na sagot ni Lilian nang marinig ang kwento ni Elara sa nangyari kagabi sa kanila ni Mainard.

"Pinaalis ko siya kaagad, pumasok na ako sa kwarto at pinagsaraduhan ko siya ng bintana. Ayoko rin magkaroon ng kung anong issue sa kaniya, hindi ko siya kilala at kahit tiga Herveaux siya ay kailangan ko pa rin mag-ingat sa kaniya," sagot ni Elara at sumang-ayon sa kaniya si Lilian.

"Oo, lalo na't wala si Melody para samahan ka parati. Mababantayan kita pero kailangan ko rin mag report at umalis paminsan-minsan, hindi buong araw at oras ay nasa tabi mo ko," sagot ni Lilian na naiintindihan naman ni Elara.

"Wag ka mag-alala, hindi ako lalapit sa bampira na 'yun," tugon ni Elara at buo na ang kaniyang plano na layuan si Mainard at iwasan ito kahit saan parte ng Herveaux pack.

Pero pinaglalaruan ata siya ng tadhana dahil pag apak pa lang ng kaniyang mga paa sa training ground ay si Mainard na agad ang kaniyang nakita, tumatakbo sa direksyon niya.

"Luna Elara!" Hiyaw ninto kaya agad na tumalikod si Elara para iwasan at layuan si Mainard kaso kahit anong gawin niyang iwas ay talagang sinusundan siya ninto.

"Luna! Huwag mo naman akong iwasan andito ako para magtraining kasama mo," sagot ni Mainard at hinarang si Elara sa kaniyang paglalakad palabas ng training ground.

"Nakapimutan ko ba magpakilala kahapon? Ako nga pala si Mainard, isa sa dalawang bampira na nakatira sa Herveuax pack, nice meeting you haha," saad nito pero nakakunot lang ang noo ni Elara at nagtataka kung bakit ba lagi na lang siya inistorbo ng bampira na 'to.

"Mainard, andito ka na kaagad? Akala ko hapon ka pa darating." Napalingon silang dalawa kay Emmanuel na kakarating lang, agad na nagtago si Elara sa likod ng kaniyang tiyuhin kaya napatawa si Emmanuel sabay tingin sa pamangkin niyang si Elara.

"Sorry kung hindi kita napakilala ng ayos sa kaniya Elara, balita ko ginulo ka raw ni Mainard kagabi sa beranda mo, hayaan mo tuturuan ko ng leksyon ang bampira na 'yan sa pagpasok sa kwarto ng isang Luna," sagot ni Emmanuel na agad naman itinaggi ni Mainard.

"Huy! Hindi ako pumasok sa kwarto niya ah saka hindi ko naman alam na Luna siya at may fated mate na. Sa beranda lang ako pumunta at wala pa nga akong kinse minuto doon dahil pinagsarahan niya na agad ako ng binatan!" Reklamo ni Mainard kaya malakas na natawa si Emmanuel sa reklamo ninto.

"Deserve mo 'yun, hindi naman tago close saka malay ko ba kung kalaban o kakampi ka," mataray na sagot ni Elara.

"Okay-okay, tama na ang ayaw niyong dalawa. Ipakita niyo na lang sa akin ang pakikipaglaban niyo. At Elara hindi kalaban si Mainard, isa siya sa pinagkakatiwalaan naming pack members ng Herveaux," sagot ni Emmanuel at napatingin naman si Elara kay Mainard dahil nakita niyang napangiti ito at tila natuwa nang marinig na parte siya ng Herveaux pack.

"Pero teka lang, bakit siya ang kakalabanin ko ngayon tito Emmanuel? Hindi ba't mag te-training kami ng ibang mga gamma at beta? Nasaan ba sila?" Tanong ni Elara dahil ngayon na napagtanto niya ay sila lang tatlo ang nasa training ground ngayon.

"May mission sila, pinatawag silang lahat ni Alpha Kalil at ina-sign sa iba't ibang trabaho ngayon umaga. Nung bumalik kasi 'tong si Mainard ay nakumpirma na nila ang mga mission na kailangan nilang gawin," paliwanag ni Emmanuel at nakatingin  na lamang si Elara kay Mainard na nakatingin sa makapal na ulap.

"Spy ako ng pack na 'to, marami akong trabaho na ginawa nitong last four months kaya pwede wag mo ko tarayan kahit na pamangkin ka ni sir Emmanuel at Luna ng Nightraven, pwede akong makapalag sa'yo gusto mong makatikim ng lakas ko?" Tanong ni Mainard saka hinubad ang itim na hoodie na suot niya.

Revenge of a RejectedOù les histoires vivent. Découvrez maintenant