MB 51✨

360 23 1
                                    

3RD PERSON'S POV

"That's scary," bulong pa ni Zero nang makalabas siya sa pinagtataguan. Maglalakad na sana ulit siya papunta sa kanyang gaming chair sa harap ng napakaraming screen dito sa control room ng biglang may magsalita sa likod niya.

"Alin ang nakakatakot, Zero?"

Mabilis pa sa kidlat na napalingon siya at nakita ang nakakapangilabot na ngiti sa labi ng buntis na asawa ng boss nila.

"N-Nothing," kinakabahang sagot niya dito. Tumango naman ito sa kanya sabay pakita ng dalang suklay at supot ng sanrio.

Ang ngiti sa mukha nito ay nagsasabing hindi ito tumatanggap ng sagot na hindi, kaya naman wala na syang nagawa at umupo na nang tuluyan para maabot nito ang buhok niya.

Sa ilang minuto na lumipas, napapangiwi na lamang siya dahil masakit ang paraan ng pagpupuyod nito sa kanya. Ramdam niya ang hapdi kapag hinihigit nito ang buhok niya. Alam niyang mukha na syang kawawang laruan ngayon. Pero naisip din naman niya na kung ito ang ikasasaya ng buntis na ito, siguro ay okay lang din.

Lagi nyang napapansin na wala lagi sa sarili at tulala itong si Gino lalo na ng magsimula na ulit magtrabaho ang boss nila. Minsan gusto man niya itong kausapin ay nahihiya naman siya.

Isa din siya sa mga pinagkatiwalaan ng boss nila na magbantay dito kaya kahit sa ganito lamang na bagay ay mapasaya niya ito.

Kaya naman ng matapos siyang puyudan nito ng braide, pony at iba pa ay tiniis na lamang niya ang kahihiyan lalo na nang dumating pa yung dalawang bwisit na walang ginagawa kung hindi tawanan at kuhanan siya ng litrato.

"Haha magugustuhan to ni Hellix."

"Oo, ito din."

Rinig pa niyang saad ng dalawang unggoy habang tiningnan ang mga larawan sa cellphone nila. Wala syang magawa kung hindi tiningnan na lamang ang mga ito ng masama at may pagbabanta.

"Ang ganda-ganda mo talaga Zero, bagay na bagay sayo!" masayang ani pa ng buntis habang pumapapakpak ang mga kamay.

Napanguso na lamang siya, kahit ang papuri nito ay hindi kayang punan ang kahihiyang nararamdaman niya.

"Satisfied?" tanong niya dito. Tumango naman ito ng sunod-sunod.

Napahinga na siya ng maluwag sapagkat akala niya ay tapos na ang lahat. Pero mukhang doon siya nagkakamali, lalo na nang marinig ang sunod na sinabi nito.

"Susunod, me-make upan naman kita."

---------------+++

DALAWANG linggo ang nakalipas nang maging abala muli si Cain sa trabaho at tatlong araw na noong umalis ito para sa business trip.

Nagulat ang lahat ng pumayag ang buntis nang sabihin ni Cain ang tungkol sa pag alis nito.

"Are you sure, you're okay in here?"

"O-Oo naman, basta mag iingat ka lagi dun ah," naluluha naman nitong saad habang pilit pinapatibay ang sarili.

Malambot naman itong tiningnan ni Cain at hinalikan ang noo, ilong at labi para ipakita ang pagmamahal at pasasalamat dito. Alam ni Cain na hindi madali para dito ang desisyon na iyon pero pinili pa rin nitong suportahan siya.

Ito ang isa sa mga bagay na tunay niyang minahal kay Gino. Kaya nitong isaktipisyo ang kasiyahan at kapakanan nito para sa iba.

"I'm so lucky to have you, My Ginobabes, I love you," bulong pa niya sa tenga nito sabay halik sa leeg nito.

"I love you too Cain, umuwi ka agad."

Tumango siya dito bago sumakay sa kotse patungo sa private jet na gagamitin niya patungo sa france.

🌈MIRACLE BABY [BL/MPREG]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu