FINAL

1K 118 116
                                    

I hope you enjoy reading this chapter 💕


3RD PERSON'S POV

HINDI mapigilan ni Cain na maglakad ng pabalik-balik dahil sa kaba.

'Don't mess up, this is the day I've been waiting for,' isip-isip pa niya habang patuloy na naglalakad.

Napapailing na lamang sina Gary, Josh at Zero habang pinapanuod siya. Halata kasi na di sya mapakali dahil sa magaganap sa araw na ito.

"Boss, relax magiging okay ang lahat," saad ni Gary sa kanya.

Mabilis naman syang tumingin dito bago magsalita.

"Do I look nervous to you? huh," inis na tanong pa niya dito.

Hindi naman ito sumagot  at napakamot na lamang sa ulo. Kinulbit na ito ni Josh at sabay na naglakad pa labas ng simbahan para mag bantay.

Napabuntong hininga na lamang siya, ni kasi sa sarili niya, hindi niya maamin na kinakahaban siya. Ang isang matapang, matikas at kagalang galang na lalaki na nagpapatakbo ng mga illegal business ay kinakahaban dahil sa KASAL?

'No way, it can't be' napapailing sa sarili na saad niya.

Narito na sila sa simbahan ngayon, ang Washington National Cathedral sa United States para isagawa ang kasal na matagal na nilang pinagplanuhan.

Napakaganda ng desenyo ng simbahan, ang mga palamuti sa paligid, ang red carpet sa ailse patungo sa altar at mga bulaklak sa mga dulong parte ng mga upuan.

Walang masyadong mga bisita sapagkat wala naman silang maraming kamag anak o kakilala. Narito na ang ibang kaibigan ni Gino na sina Yuan, Jewel, Mars at Kevin. Ganun din ang isang pamilya na kaibigan din ni Gino, ang Hendricks family.

Sa kanya namang parte, ang uncle niya, si Minato at Zero lamang.

Tahimik na nakaupo ang mga ito at naghihintay na magsimula ang kasalan.
Si Gary at Josh naman ay nakatoka sa pagbabantay ng paligid para masiguradong ligtas ang lahat.

Dahil sa kakaibang pakiramdam (ayaw niyang aminin na kaba) ay napaisip na lamang siya na luminga sa paligid.

Sa tabi ng altar ay nakita niya ang handang handa na musician na nakaupo sa harap ng piano nito.

Ang malikot pero napakagandang si Dion Rhys na anak nina Dylan at Rylan. Ito din ang flower girl ng kasal nila.

Dahil sa mga nakikita ay medyo napanatag ang kanyang kalooban at marahan na napangiti.

Habang nakatanaw siya sa pinto ng simbahan kung saan papasok ang pinakamamahal at pinakamahalagang tao sa kanyang buhay ay bigla siyang may naalala.

ANG unang gabi na nakilala niya ito, ang akala niya ay hindi na muli sila magkikita pa.

Pero may kung ano sa kalooban niya na hinahanap-hanap ito at ang magandang mukha nito na patuloy sa pagtakbo sa kanyang isipan. Ang mapayapa pero lumuluhang itsura nito ay parang isang larawan na hindi niya makalimutan.

Gusto niyang punasan at alisin ang lahat ng bagay na nagpapalungkot dito.

'Kung napakaganda na niya habang lumuluha, sigurado akong mas maganda siya kung nakangiti'

Yan ang bagay na gusto niyang masaksihan. Higit pa roon, nais niya na siya ang maglagay ng masaya at magandang ngiti sa mga labi nito.

Ilang linggo na ang nakaraan pero ang pagnanasa na makita muli ang taong iyon ay palakas ng palakas. Hanggang sa nakita muli niya ang sarili sa baywalk, ang luagr kung saan una silang nagtagpo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 04 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

🌈MIRACLE BABY [BL/MPREG]Where stories live. Discover now