MB 9

2.2K 142 11
                                    

[Oo naman. M-Mars, at saka may gusto akong sabihin sayo"]

"Uyy Gino, tapos ka na bang gumamit ng xerox machine?"

Nagising naman ako sa pagkatulala ko dahil sa boses na aking narinig.

"A-Ah, opo," di makapagkaintindihang sagot ko  habang kinukuha lahat ng papel na tapos nang i-xerox.

"Haha tulala ka kasi," natatawang sabi pa niya kaya napayuko ako sa hiya.

Hindi pa rin kasi mawala sa aking isipan ang nangyari kahapon. Parang napakabilis ng mga pangyayaring iyon.

'Pangyayari nga ba ang di mawala sa isipan mo, o si Mr. Callboy,' bulong na naman ng echosera kong utak.

'Ewan ko sayo,' parang baliw na pagsagot ko pa dito.

Buong maghapon na akong ganito, mula kaninang umagang pagasok ko dito sa opisina at ngayong hapon na malapit na kaming umuwi.

Lagi kong nahuhuli ang sarili ko na tulala at pagminsan ay napapangiti pa.

'Hayss, nababaliw na nga ata talaga ako,' isip-isip ko pa bago kausapin ang taong aking kaharap.

"S-Sorry, ate luz," paghingi ko pa ng tawad sa kanya habang sinisilip sya mula sa ilalim ng bangs ko.

"Ano ka ba nak, okay lang yan," nakangiti namang sagot nito sakin.

"Mauuna na po ako," turan ko pa habang yakap-yakap ang mainit pa na mga papel galing xerox machine. Kumaway lang naman ito sakin.

'Sana lahat kasing bait ni Ate luz,' isip-isip ko pa habang pabalik sa floor namin.

Si ate luz ang parang nanay ko dito sa kumpanya, mabait sya sakin at tinatawag nya akong anak kaya natutuwa ako. Magkalayo nga lamang ang department namin dahil nalipat sya last year kaya nagkahiwalay kami. Nakakalungkot pero deserve naman nya ang promotion.

Kelangan ko lang i-xerox ang mga ito saka ibigay kay Donna tapos ay pwede na kaming umuwi ni Mars.

Speaking of Mars, habang naglalakad ako pabalik sa working station namin ay bigla kong naalala ang naging pag-uusap namin namin kanina.

    -------------FLASHBACK--------------

"Ano bhes ang sasabihin mo, nandito lang ako para makinig," madrama pang sabi ni Mars ng makarating ako dito kumpanya.

'Umagang-umaga, chika agad ang trip ng baklang to,' isip-isip ko pa at nagpasya nang umupo sa harap ng aking mesa.

"A-Ahm, wala yun Mars", nag aalangan ko pang sagot sa kanya. Bigla kasi akong nahiya kaya nagbago ang isip ko.

Alam kong sya ang nag- suggest ng tungkol sa callboy pero natatakot parin ako sa pwede nyang isipin.

"Huh?, anong wala, sure ako meron kaya sabihin mo na sa akin, Bhes", makulit na sabi pa nito.

Hindi ko naman sya pinansin at inayos na lamang ang aking gamit sa ibabaw ng aking table.

"Wait!!, dont tell me ang sasabihin mo sakin ay tungkol sa naging date nyo ni Sir kahapon?", nanlalaki pa ang mata nya habang nakatingin sakin.

Mabilis akong napalingon sa kanya dahil sa sinabi nya at tinakpan ang kanyang bibig. Ang lakas kasi ng boses nya, Baka may makarinig na naman at magsumbong pa kay Elvin.

"Shh! wag ka maingay, Mars", sabi ko pa dito.

"Hihi, kwento mo na lang kasi sakin ang nangyari", excited na sabi pa nito kaya napailing na lamang ako.

"Sige na nga", sagot ko naman na pabulong sa kanya.

Kumislap naman ang mga mata nito dahil sa aking sinabi at parang batabg handa nang makinig ng kwento ng kanyang lola.

🌈MIRACLE BABY [BL/MPREG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon