MB 35

1.4K 130 53
                                    

I hope you enjoy reading this chapter 💕

3RD PERSON'S POV

Umuwi si Gino nang malungkot at nanlulumo. Pagbukas niya ng pintuan ay nakita niya si Miggs na tulog na sa ibaba ng sofa. 'Kaya pala di na niya ako nasalubong.'

Hindi na niya inabala ang sarili na magbilis at deretsong nahiga na lamang sa kanyang kama.

'Siguradong may kasiping na babae si Cain ngayon. Tss bakit ba kasi callboy pa ang nagustuhan ko?'

Kahit may inis siyang nararamdaman ay nangingibabaw pa rin ang lungkot sa kanya, mabuti na lamang at dinalaw na rin siya ng antok at nakatulog kaya hindi na niya masyadong naisip ang mga ginagawa ni Cain sa mga oras na iyon.

KINABUKASAN ay maagang nagising si Gino dahil sa paghimod sa kanya ni Miggs. Napabuntong hininga siya nang maalala na linggo pala ngayon at day off niya.

"Miggs, tama na, gising na ako," aniya habang pinipigil nya ito sa paglalagay ng laway sa kanyang mukha.

Nang makita nitong gising na sya ay masaya itong tumahol at dinaganan pa siya.

"Ah lubayan mo ako Miggs, di ka na baby ngayon ah, ang bigat mo na kaya," aniya pa habang bumabangon sa higaan.

'Hayss, day off ko ngayon bakit ba ang aga ni Miggs mang-gising?' turan niya sa sarili habang nakatingin sa alarm clock na nasa kanyang bedside table.

Nang magtungo siya sa banyo ay nagtatakbo naman si Miggs sa may sala kaya hinayaan na lamang niya ito.

Hindi maganda at kumportable ang kanyang tulog sapagkat iniisip nya si Cain at hindi rin siya nakapagbihis ng damit kagabi.

Medyo mahapdi ang kanyang mata dahil sa pag iyak pero kahit ganun hindi pa rin nawawala ang bigat ng kanyang kalooban nang maalala ang naganap ng nakaraang gabi.

"Para akong tanga. Iniiyakan ko na naman ang lalaking yun," bulong pa niya sa sarili pagkalabas sa banyo.

Nakaboxer shorts lamang siya at balak magpalit ng damit sa kwarto, wala kasi syang nadala na pamalit kanina.

Habang nagsusuot ng damit ay narinig nya ang sunod-sunod na tahol ni miggs mula sa sala. 'Ano kayang problema ni Miggs?'

5:00 am pa lamang kaya halos madilim pa sa labas ng bahay, medyo kinabahan sya dahil baka may masamang tao na gustong manloob sa kanyang bahay.

Dahan dahan syang naglakad palapit sa pintuan habang hawak ang isang kawali. 'Kung sino ka man, siguradong di ka sasantuhin ng kawali ko.'

Pinalayo nya si Miggs bago buksan ng unti-unti ang pinto.

"Oump," tangi niyang naging reaksyon ng tumumba payakap sa kanya si Cain mula sa labas ng pinto.

"Cain? Ayos ka lang ba?" nabitawan na niya ang kawali at minabuti na alamin muna ang kalagayan ng lalaking nito.

"I'm fine, just tired," bulong nito habang mas hinihigpitan ang pagkakayakap sa kanya.

Dahil sa panahon na pinagsamahan nila ni Cain ay medyo kilala na niya ang ugali nito. Kapag pagod ito ay gusto lamang nitong yumakap para kumuha ng lakas at para makapagpahiga. Sigurado siya doon sapagkat ganun din siya.

"Halika magpahinga ka muna, maaga pa naman," saad niya at inakay na ito patungo sa kwarto.

Sumunod naman ito sa kanya. Pagdating nila doon ay naghubad ito ng mga saplot na suot para makapagpalit ng damit na mas kumportable.

🌈MIRACLE BABY [BL/MPREG]Where stories live. Discover now