MB 8

2.1K 147 16
                                    

[Hindi ko maintindihan pero malapit ang loob ko sa kanya.]

"Who did this to you?"

Tanong pa niya kaya naimulat ko ang aking mata, ni hindi ko nga napansin na naipikit ko na pala ito.

Humiwalay siya sa akin at lumayo ng kaunti para makaupo ako ng maayos. Hindi agad ako nakasagot sa kanyang tanong at nanatili na lamang nakayuko habang dama ko pa rin ang pagtitig nya sa akin.

"It's okay if you dont want to talk about it," turan muli nya kaya napatingin ako kanya.

"H-Hindi, Okay lang", pabulong na sagot ko pa sa kanya habang ibinubutones ang aking polo na binuksan nya kanina pero napansin ko na nawala ang ilang botenes nito.

'Sira na ang uniform ko sa kumpanya', isip-isip ko pa habang pilit inaayos ito.

Napabuntong hininga ako dahil sa mga nangyayari, kanina lang ay muntikan na akong magahasa ngayon naman ay gusto kong sabihin sa kanya ang lahat ng pinagdadaanan ko.

Ang sakit at ang bigat sa dibdib kapag marami kang mga bagay na kinikkim sa loob mo at wala kang mapagsabihan nito.

Sa mga ganitong pagkakataon ay mas nalukungkot ako dahil wala akong pamilyang pwede kong takbuhan, pamilyang mapagsasabihan ko ng lahat ng nagyayari sakin at higit sa lahat wala akong pamilya na nagmamahal at nag-aalala sakin.

Siguro nga mas mabuti na maglabas ako ng loob sa taong hindi ko kilala dahil wala syang karapatan na husgahan kung anong pinagdadaanan ko.

Humarap ako sa kanya at napataas ang kilay nya na parang kinukumbinsi akong magpatuloy kaya naman huminga muna ako ng malalim at isinalaysay lahat ng mga problema at pinagdadaanan ko sa trabaho ko.

Ang pang bubully ni Eldran, Elvin at kung paano nila ako pagtripan at saktan, ganun din ang iba ko pang mga katrabaho.

Habang nagkukwento ay nangingilid ang aking mga luha dahil na-aalala ko lahat ng ginagawa nila sakin mula noon at hanggang ngayon.

Sya naman ay tahimik lamang na nakikinig sakin, walang emosyon na makikita sa kanyang mukha, ang kilay nya ay napantay lamang, ang mga mata nya ay katulad parin ng dati, matalas na parang tagos sa iyong kaluluwa ang mga tingin nya. Ang mga labi nya nakatikom lamang. Ang ekspresyon ng mukha nya sobrang kalmado na parang nakatanaw sya sa paglubog ng araw.

Pero kahit ganun ay di nakaligtas sa aking paningin ang pagyukom ng kanyang kamay na parang pinipigilan ang sarili na magalit.

Sa pagkakataong iyon ay may isang tanong na nabuo sa aking isipan.

'Ano kaya ang pinagdaanan nya para mapanatili ang kalmadong mukha at sarili para di maapektuhan ng matinding emosyon?'

"D-Deserve ko ba na pagbantaan at saktan ng ganito?", tanong ko pa sa kanya o para sa sarili ko, di ko na napigilan na mapahikbi dahil sa sama ng loob na nararamdaman.

Hindi naman ito sumagot pero naramdaman ko ang pag akbay nya sa akin atsaka idinantay ang aking katawan sa kanyang dibdib.

Napapikit na lamang ako at sumiksik sa kanya, ang kamay na nasa balikat ko kanina ay napunta na sa aking ulo at madahan nyang hinahaplos ito.

Habang ginagawa nya iyon ay unti-unting kumakalma ang aking sarili, mas magaan na rin ang aking loob dahil nasabi ko na sa kanya lahat ng mga bagay na tinago ko ng ilang taon.

Napapapikit na ang aking mata dahil sa antok dulot ng matinding pagod.

"Im sorry, hindi dapat kita pinilit"

Napatunghay ang mukha ko sa kanya ng marinig ko ang sinabi nya.

Yumuko din naman ito sakin kaya magkaharap na kami at kakaunti na lamang ang agwat sa aming mga labi, dahil sa matinding pagtitig ko sa mukha nya ay di na ako naka-ilag ng halikan nya ng marahan ang aking noo.

🌈MIRACLE BABY [BL/MPREG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon