MB 47

1K 152 76
                                    

I hope you enjoy reading this chapter 💕


3RD PERSON'S POV

L

UMIPAS ang ilang araw matapos matanggap niya ang simple pero napakahalagang regalo ni Cain para sa kanilang baby.

Iniuwi niya ang bulaklak na iyon at inilagay sa isang vase para di agad malanta. Natutuwa rin siya pagnakikita iyon.

Kahit hindi pa niya kayang kausapin hanggang ngayon ang ama ng baby niya, ay hindi naman ito tumitigil sa pag gawa ng paraan para mapalambot ang kanyang puso.

Lagi pa rin itong nagpapadala ng bulaklak, pagkain at kung ano-ano pa sa kanya araw-araw. Daig pa niya ang babaeng nililigawan dahil sa nangyayari.

Itago man niya pero nakakaramdam din naman siya ng kilig dahil sa paraan ng pagsuyo nito sa kanya. Sa hapon at umaga ay wala din itong palya sa pangungulit sa kanya.

Pag umaga, kailangan pa niyang taguan ito dahil lagi itong naghihintay sa labas ng kanyang apartment. Kapag hapon naman ay kumakatok pa rin ito at nakiki-usap na papasukin niya.

Ang totoo ay na-aawa din naman sya dito at nakikita naman niya ang effort na ginagawa nito.

Wala man syang ma-research tungkol kay Cain maliban sa pagiging multi- billionaire nito, at pagkakaroon ng napakaraming negosyo. Ang gusto kasi niyang malaman ay kung seryoso ba talaga sa kanya si Cain, baka kasi bigla na lamang niyang malaman na may girlfriend o kaya ay may pamilya na ito.

Naninigurado lamang siya, ayaw naman niyang papasukin muli ito sa buhay niya at ng kanyang anak para lang masaktan ulit.

"Hayys nakaka-sad, super busy na talaga ni bhes Jewel," napapabuntong hininga na saad ni Mars sa kanya.

Napatango naman siya dahil sa pahayag ng kaibigan, ganun din kasi ang nararamdaman niya.

"Oo nga eh, at least mukhang may progress na ngayon ang relasyon nila ni Sir Yuan," sagot naman niya sabay subo ng kinakain.

Hindi na talaga nila kadalasang nakakasama si Jewel dahil lagi itong kasama ni Yuan sa mga meeting at iba pang pinupuntahan nito.

Sa mga araw at linggo na dumaan ay pansin nilang lahat ang pagbabago ng relasyon nina Jewel at Yuan.

Mukhang nagkakamutihan na talaga ang dalawa kaya masaya siya dahil doon.

Narito sila sa Cafeteria ngayon at nagla-lunch, wala namang pinagbago ang lahat, maingay, maraming tao at laging busy ang lugar na ito.

Habang kumakain ay napalinga siya sa paligid. 'Hmm, hindi ata nasulpot si Cain?'

Bigla siyang napahiya dahil sa iniisip, hindi naman niya hinihintay na magpakita ito.

'Hayss, di ko sya hinahanap ah.'

Medyo nagtaka lang siya dahil kadalasang nangungulit ito sa kanya.

▼△▼△▼△▼△

GINO'S POV

'Hmm, kakausapin ko na ba si Cain?' tanong ko pa sa aking isipan habang naglalakad kami ni Mars pabalik sa working station.

Kakatapos lang ng isang meeting na dinaluhan namin. Sa buong oras na iyon ay wala naman akong naintindihan dahil laging nasa isang tao lamang ang aking isapan.

Matagal na rin naman ang lumipas ng bumalik si Cain, ipinakita naman niya na seryoso at nagsisisi siya sa ginawa.

Tama lang din naman na pakinggan ko ang paliwanag niya.

🌈MIRACLE BABY [BL/MPREG]Where stories live. Discover now