MB 22

1.4K 116 30
                                    

3RD PERSON'S POV

[Sa di kalayuan ay nakasunod pa rin ang taong kanina pang nagmamatyag sa kanila.]

Habang naglalakad sa tabing kalsada, sa malamig na gabi ay napayakap na lamang si Gino sa kanyang sarili.

Napansin naman iyon ni Cain kaya hinubad nito ang suot na brown na jacket. "Wear this," saad pa nito sabay abot sa kanya ng jacket.

"Sigurado ka ba? Baka ikaw naman ang lamigin," pagkukumperma pa niya dito.

"I'm fine," tugon nito kaya nakangiti niyang tinanggap at sinuot ang jacket na inabot nito sa kanya.

Habang isinusuot niya ang jacket ay bigla niyang naalala na mula nang una silang magkakilala ni Cain noon sa baywalk at nang makasama niya ito sa hotel ay lagi na nitong suot ang brown na jacket na ito. Hindi man ito ganun ka-bago ay kumportable naman.

'Baka naman paborito nya ito,' aniya pa sa kanyang isipan.

Kruu~ Kruuu~

Napayuko naman siya sa hiya dahil sa pagkalam ng kanyang tiyan sa gutom.

"Gusto mo, kain tayo doon?" napatingin naman siya kay Cain dahil sa sinabi nito at sinundan ang kamay kung saan ito nakaturo.

'Kaya pala may na-aamoy akong usok kanina pa.' Sa di kalayuan pala ay may nagtitinda ng street foods.

Tumango naman si Gino bilang pagsang ayon kay Cain at nagtungo na sila papunta doon.

"Cain anong gusto mo?" tanong pa niya dito habang namimili sila ng BBQ.

May atay, betamax, isaw at hotdog.

Wala naman itong imik at itinuro lamang ang mga gusto niya. Nakangiti naman si Gino na kinuha iyon gano'n din ang sa kanya.

"Manong eto po," ani Gino sabay abot sa magtitinda ng bbq ang napili niya para ipaluto.

'Na-miss ko ding kumain ng ganito.'

Habang naghihintay maluto ang bbq nila, pumunta muna sila sa katabing manong na nagbebenta ng balot.

Bumili sila ng tig-isa. Mainit kaya humingi si Gino ng kapirasong dyaryo para maging sapin nito.

"I like this," manghang turan naman ni Cain kaya medyo nagtaka siya. 'Ngayon lang ba sya nakakain ng balot?'

Ipinagsawalang bahala na lamang niya iyon at napatawa pa dahil sa reaksyon nito habang kumakain.

Napapailing na lamang siya habang kumain pa rin sila, bigla na lamang nga sila dahil may nagsalita sa kanilang tabihan.

"How about me kuya, do you like me too?" maarteng tanong pa ng isang dalagita na bumibili rin kasama ang mga kabarkada nito.

Hindi naman sumagot si Cain at napatahimik naman siya habang tumatawa ang mga kaibigan nito.

'Mga kabataan nga naman sa panahong ito ah,' isip-isip pa nya sabay silay sa mga magkakabarkadang nagbibiruan pa rin hanggang ngayon.

Kahit gabi na ay buhay na buhay pa rin ang mga kalsada at marami pa rin ang mga taong dumadaan ganun din ang mga bumili dito kaya naman mas masayang kumain dito.

Maya-maya pa ay naluto na ang bbq nila kaya nilantakan na rin nila ito ng kain. Natutuwa si Gino na pagmasdan ang sabik na ekspresyon ni Cain habang kumakain.

Habang ngumunguya ng isaw ay bigla nyang naisip na...

'Hindi man kami sa mamahaling restaurant kumakain, kahit jeep lang ang sakayan namin pauwi, wala akong pakialam. Mas masaya ako sa ganitong mga simpleng bagay.'

🌈MIRACLE BABY [BL/MPREG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon