MB 31

1.6K 133 50
                                    

I hope you enjoy reading this Chapter 💕

[I dedicated this chapter to YamYamJavier , salamat po sa paghihintay 😍😍 ]


THIRD PERSON'S POV

Nang hapon ding iyon ay nakuha nya ang order na egg pie kay stella. Bumili siya ng dalawang box na dessert para sa kanila ni Cain.

'Sana magustuhan din ito ni Cain'
masaya niyang isip-isip.

Pero nang maalala niyang wala si Cain ay nanlumo ulit siya. Laglag ang kanyang balikat na naglalakad pauwi dala ang pasalubong.

Pagdating sa apartment ay napansin nyang bukas ang ilaw sa kabilang bahay. 'Matagal ng walang nakatira dyan e, t-teka baka naman may multo sa loob.'

Hindi nya napigilang mapa-sign of the cross at mabilis na pumasok sa kanyang bahay dahil sa takot.

Nang nakapasok ay medyo nawala ang takot nya dahil kay Miggs na masiglang sumalubong sa kanyang pagdating. Ginawa na rin niya ang dapat gawin pagkakarating sa bahay.

Ngayon ay nagluluto na siya ng hapunan habang naglalaro lang naman sa paanan niya si Miggs.

Mula pag uwi nya kanina dito ay may lungkot na lumukob sa kanya kaagad, wala na ang init na meron ang munti nyang apartment ngayong wala si Cain dito.

Medyo nag aalala siya sapagkat di nito sinabi kung saan ito pupunta.

'Hays, nakain na kaya sya ngayon?'

Dahil gusto nyang maging positibo ay isinantabi muna nya ang isipin tungkol sa lalaking gumugulo sa kanyang isipan at puso.

Matapos magluto ay bigla nyang naalala ang tungkol sa kabilang bahay.

'Baka naman may bagong lipat doon, kailangan kong lakasan ang loob ko at batiin sila," sya sabay lagay ng ulam sa isang mangkok.

Kinakabahan syang lumabas ng bahay dala ang ulam para ibigay sa mga bagong lipat.

Nag-aalala lang namang nakasilip si Miggs sa pinto ng kanilang bahay.

Nang makarating sya sa tapat ng pinto ng mga ito ay napahinga sya ng malalim bago kumatok.

Umabot sa tatlo ang kanyang pagkatok saka lang sya nakarinig ng mga pagyabag mula sa loob.

'Salamat naman at mukha hindi talaga multo ang nasa loob ng bahay na ito.'

Nang bumukas ang pinto ay nanlaki ang kanyang mga mata ng makita ang taong lumabas mula dito.

"Ano yun?" gulat ding tanong pa nito sa kanya kaya bigla syang nagising sa pagkakatitig dito.

"A-Ah hello, ako nga pala si Gino. Dahil bagong lipat ka dito kaya gusto ko lang makipagkilala."

"Gano'n ba. Ako naman si Hellix, nagkita na tayo noon di ba? naghahanap kasi talaga ako ng bahay para saming mag asawa," sagot naman nito sa kanya.

Magaan at palabiro ang ugaling nakikita ni Gino dito kaya masaya sya, baka maging kaibigan pa nya ito.

'Sabi na nga ba kaya pamilyar ang mukha nya, sya yung lalaking nakahairban ng pink.'

"Mabuti at dito nyo naisipang kumuha ng bahay dahil tahimik dito at walang masyadong kaguluhan," nakangiti pa nyang sabi dito.

"Ah  Oo nga pala, eto may dala akong ulam," aniya sabay abot ng mangkok.

Tinanggap naman nito ng may saya sa mga labi at mata.

"Uii salamat talaga haha di pa nga kami nakain, di kasi marunong magluto ang Hon ko," natatawa pa nitong sabi sa kanya.

🌈MIRACLE BABY [BL/MPREG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon