MB 43

1.2K 151 38
                                    

I hope you enjoy reading this chapter 💕

3RD PERSON'S POV

SERYOSONG nakaharap si Cain sa kwarto na puno ng iba't ibang armas. Makikita dito ang pinakamalalaking baril hanggang sa pinaka maliit na patalim at explosives. Sa mga armas na ito ay namili sya ng mga dadalhin.

Kumuha siya ng Smith & Wesson 29.44-cal. Magnum revolver, dalawang magazine, isang Cold steel chaos bowie knife para sa hand to hand combat.

Ang araw na ito ang pinakahihintay niya, ang araw na maililigpit na niya ang gagong muntik nang pumatay sa kanyang mag ama.

"Boss, we're ready to go."

Habang naghahanda ay narinig niya ang boses ni Hellix mula sa labas ng kwarto.

Inayos na niya ang mga dadalhin at mula sa suot na tactical gear ay pansing pansin ang matipunong hubog ng kanyang katawan na nababalutan ng maraming straps at pockets.

Sa labas ng mansion ay nagtipon ang lahat ng kanyang mga tauhan, sa huling pagkakataon ay ipinaliwanag muli ni Hellix sa lahat ang plano, ang mapa at ang dapat gawin.

Ang lahat ng narito ay professional sa ganitong gawain kaya sigurado silang magiging maayos at successful ang misyon na ito.

Hindi ito ang pinaka unang misyon na isinagawa nila. Halos lahat ng mga lugar na pinuntahan nila noon ay isa lamang mga panlinlang.

Wala sa mga iyon si Viktor, kinailangan pa nilang mag interrogate ng kasabwat nito para lamang malaman nila ang eksaktong pinagkukutaan nito ngayon.

Kasama ni Cain sa Bullet proof na Van sina Josh at Gary. Si Hellix ay nasa kabila kung saan ay kasama nito si Zero.

Habang palapit ng palit sila sa kinaroroonan ni Viktor ay purong pananabik lamang ang kanyang nararamdaman.

"I can't wait kill that bastard."

Sa isang tagong pasilidad nila natukoy ang pinagtataguan ni Viktor ngayon, maingat at dahan-dahan ang naging paggalaw nila palapit sa nasabing gusali.

Mula sa earpiece na suot ng lahat ay maririnig ang boses ni Zero na nagbibigay ng dereksyon sa kanila.

Hindi katulad noon ay naiiwan ito sa mansion, ngayon ay kasama nila ito pero nasa loob lamang ito ng van para maging intel nila.

Sa madilim na kalangitan na natatabunan ng makapal na mga ulap ay pilit sumisilip ang buwan na parang nagmamasid sa lahat ng kanilang galaw.

Nakasuot naman sila ng binoculars para makakita pa rin sa dilim, ganun din ang gas mask para di sila maapektuhan ng smoke screen na pinakawalan nila.

"Turn left, 65 degree starboard ahead," ani Zero mula sa kanilang earpiece.

Tahimik nilang pinasok ang daan sa likod ng gusali, ganun din sa tagiliran nito.

Parang lumang ospital ang detalye ng gusaling ito, mapuputing pasilyo na sinamahan pa ng umaalingasaw na amoy ng gamot at kemikal.

"Ang baho dito boss," rinig ni Cain na reklamo ni Hellix mula sa earpiece na kanyang suot.

Ito ang namumuno sa kabilang team na ang misyon ay ubusin lahat ng tauhan ni Viktor para walang sagabal ang pagpatay nila sa gagong kalaban.

'Psh, this is a fucking illegal drug laboratory, that is why.'

Base sa kanilang plano, may dadaanan silang isang kwarto bago makarating sa target.

🌈MIRACLE BABY [BL/MPREG]Onde histórias criam vida. Descubra agora