MB 53

1.2K 151 79
                                    

I hope you enjoy reading this chapter 💕


3RD PERSON'S POV

LUMIPAS ang mga araw matapos ang masaya nilang pagbabakasyon sa ibang bansa.

Tanda pa niya ang saya nang maka attend siya sa Supercon na ginanap sa florida ganun din ang naging byahe nila sa Russia at ang pagbisita sa Sinclair palace.

Nang makita niya ang lugar na iyon ay saka lamang niya napagtanto ang katunayan na hindi basta basta ang lalaking pinamahal niya.

Ngayon ay balik na sa normal ang buhay nila sa penthouse. Tahimik at mapayapa.

Balik na muli sa abalang trabaho si Cain habang siya naman ay nakahanap ng bagong mapagkakaabalahan.

Bukod sa pakikipag chikahan kayna Mars at Jewel at ang araw-araw na pag exercise nila dito sa bahay.

Sabi ng doctor, kailangan daw ng proper exercise at stretching. Dahil doon ay naisipan niya kasama sina Gary at Josh na maglagay ng yoga mat sa porch ng penthouse habang may malaking speaker na tumutogtog sa tabi.

Nakayapak siya sa blue niyang yoga mat habang nakasuot ng strechable na leggings at oversize na t-shirts.

Si Zero naman ay nakapanuod lamang sa kanila at tinatawanan sina Gary at Josh dahil sa itsura ng mga ito.

Si Gary ay nakayapak sa pink na yoga mat at nakasuot ng puting wife beater at itim na legging. Si Josh naman ay ganun din.

Ang malalaki at matitigas na muscles ng mga ito at bakat na bakat dahil sa suot nila ngayon. Kahit si Gino ay napapatawa na rin pero bukod sa lahat ay siya ang pinakamasaya sapagkat handa ang mga ito na samahan siya at suportahan.

Bago magsimula ay napakamot pa si Josh sabay sabi ng bagay na nakapagpatawa sa kanilang lahat.

"I feel naked."

TUNGKOL naman sa bago niyang hobby hindi ang pag exercise iyon kung hindi ito.

"Yan, luto na." bulong niya habang inaayos ang mga puto sa isang plato. Ang mabagong amoy nito ay talagang gustong gusto niya.

"Baby, naparami ata ang niluto natin ah," aniya sabay haplos sa kanyang tiyan. Napatawa pa siya nang maramdaman ang pagsipa nito.

Sa mga nagdaang araw ay muling naging busy si Cain kaya naman hindi niya ito laging nakakasama. Medyo nalukungkot na siya dahil doon kaya naisipan niyang magluto na lamang ng puto para maalis sa kanyang isipan ang pangungulila sa asawa.

Matagal na niyang gustong gawin ito kaso wala naman kakain noon ng mga gawa niya. Iba ngayon kasi kasama na niya sina Gary at Josh, si Hellix at Zero.

"Gary!!! Josh!!! Luto na ito oh!" sigaw pa niya habang daladala ang plato na puno ng puto na may keso at iba pa.

Pagpasok niya sa sala ay bigla siyang nagtaka sapagkat walang tao dito.

'Hm saan kaya sila nagpunta? kanina nandito lang yung dalawang yun ah.'

Ang hindi niya alam ay nagtatago lang sa likod ng couch ang dalawa.

🌈MIRACLE BABY [BL/MPREG]Where stories live. Discover now