MB 46

1.3K 154 44
                                    


I hope you enjoy reading this chapter 💕


3RD PERSON'S POV

NATAPOS ang buong maghapon na kay bagal para kay Gino kaya naman napahinga siya ng maluwag nang makitang oras na ng out nila sa opisina.

"Bhes, halika na," pag aaya ni Mars sa kanya.

Tumango naman siya at binitbit lahat ng mga dala. 'Hayss sa wakas makaka-uwi na rin ako.'

Nang makababa sa ground floor ay nakasalubong nila doon ni Yuan at Jewel.

"Uii pauwi na rin kayo mga siz," masiglang ani Jewel sa kanila.

"Oo naman, anong gusto mo dito na kami matulog?" sarkastikong sagot ni Mars kaya napanguso ni Jewel.

Patuloy ang naging pag uusap nila hanggang makarating sa parking lot ng kumpanya.

"Pauwi na rin kami ni Jewel, gusto mo bang sumabay Gino?"

Napatingin naman sya kay Yuan dahil sa tanong nito.

"Naku sir, hindi na po magta-taxi na lang ako," pagtanggi niya sa alok nito.

Papayag na sana si Yuan sa kagustuhan ni Gino kung hindi lamang napansin nito si Cain na naghihintay sa di kalayuan sa kanila.

Napa-tsk pa ito dahil sa nakita. Pati si Mars ay halatang nagpipigil lamang pero kanina pa nitong gustong sugudin si Cain.

Ang totoo ay hindi niya alam kung kaya ba niyang awatin ang mga ito pag nagkaroon ng gulo.

Habang papalapit sila ay lalo siyang kinakabahan, di naman kasi nila akalain na katabi ng magarang kotse ni Cain ang kay Yuan.

Hindi na nga nagtagal at napansin na nga nito ang pagdating nila. Mabilis na nagliwanag ang mga mata nito nang makita siya.

"Ginobabes," saad nito sabay lapit sa kanila.

Mabilis na hinigit siya ni Mars papunta sa likod nito para itago.

"Wag ka nang lumapit, dyan ka lang," warning ni Yuan kay Cain.

Hindi naman ito nakinig at patuloy pa rin sa paglapit sa kanya. Na-aawa man sya sa mukha nitong nagsusumamo sa kanya pero kailangan niyang magpakatatag.

"I need to talk to him," saad nito sa kanyang mga kasama.

"Hindi pwede. Ano sa tingin mo ganun na lang yun ha? Aalis ka na lang ng bigla tapos babalik ka na parang walang nangyari," napapailing na turan ni Mars dito na halatang nagpipigil ng galit.

Katulad ng dati ay neutral at walang nababakas na emosyon sa blankong mukha ni Cain. Nakatitig lamang ito sa kanya sabay baling kay Mars.

"I don't need your permission," madiin na sagot nito. Kaya naman ang kaunting pagtitimpi ni Mars ay nawala na.

PAKKKK!!

"Ang kapal talaga ng mukha mo, GAGO KA PALA EH---"

"Mars tama na!" pag awat nila dito. Dahil sa galit ay nakalimutan ata ni Mars na gurl sya. Ang barako ih.

Mabuti na lamang at dumating si Kevin at sapilitang isinama na si Mars palayo. Magbilis na nagpaalam ito sa kanila at umalis na.

"Wag ka nang gumawa ng gulo dito Cain, please lang. Ayaw kitang makausap kaya tigilan mo na ako," inis na saad niya dito sabay higit kay Yuan at Jewel.

Mabilis na pinasakay siya ni Yuan habang nagpaalam naman sa kanya si Jewel na may pupuntahan ito kaya di makakasabay sa kanila.

Tumango naman si Yuan at pinaandar na ang makina ng sasakyan. Napahawak siya sa kanyang dibdib dahil sa kabang patuloy na nararamdaman.

🌈MIRACLE BABY [BL/MPREG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon