MB 17

1.5K 129 16
                                    

["There are almost five speed boat heading in your direction right now! This is a bloody set up!!!"]

Hindi nagpahalata si Hellix kahit alam na nya ang mga nangyayari, ang mga liwanag na nakita nya kanina ay galing pala sa mga speed boat na naglalaman ng mga tauhan ni Ivanovich.

'Tuso talaga ang matandang ito ah, mukhang planado ang lahat.'

Napalingon siya sa dalawang bodyguard ni Mr. Ivanovich na nasa kanyang likuran, nasa unahan nya si Mr. Sinclair at nasa unahan naman nito ang dalawa pang bodyguard.

Ibig sabihin lang ay ipit sila sa pagitan ng mga ito, naiwan naman sa loob ng cabin si Mr. Ivanovich kasama ang isa nitong bodyguard para bantayan ito.

Pag alis nila sa cabin ay ngumisi ang matandang si Ivanovich at inutos na patayin sila bago pa maka alis sa yate at madala ang pera.

Nang mapansin ni Hellix ang paggalaw ng bodyguard sa likod nya para paulanan sila ng bala ay naging mabilis ang ginawa nyang pag atras sabay hampas dito ng hawak ng brief case para magulat ang kalaban at saka nya tinabig ang baril na hawak nito kaya sa bubong ng yate tumama ang bala.

Dahil dito ay nagsimula na ang gulo. Mula sa loob ng yate ay maririnig ang malalakas na sigaw at kaliwa't kanang mga putok ng baril.

Nang makarating sila sa lugar na pinagdadausan ng party kanina ay magulo at makalat na dito.

Sira-sira na ang mga gamit, nakataob na ang mga table at iba pang gamit. Ang karamihan sa mga bisita ay nagtalunan na sa tubig para di sila madamay sa kaguluhan.

Mukhang nakarating na ang mga tauhan ni ivanovich na nakasakay sa speed boat.

"Hellix, That's a trap. Get the hell out in there right now!"

"Oo na Zero alam ko yan, magpadala ka na ng get away namin dito ngayon!" utos pa nya dito habang nakatago sa likod ng isang table para di tamaan ng mga balang pinakakawalan ng mga kalaban.

"Yeah, right away!" sagot naman nito.

Pagsilip nya para tingnan ang lokasyon ng mga kalaban ay napansin nya ang pagbagsak ng kanyang mga kasama.

Napakarami man ng kalaban ay imbis na makaramdam ng takot si Hellix ay lalong sumilay ang madilim at nakakatakot na ngisi sa kanyang mga labi.

"Sa wakas, nagkaroon din ng action," bulong pa nya sabay tayo sa pinagtataguang table.

Lahat ng makakita nyang kalaban ay binabaril nya ng hand gun na kanyang gamit.

Pagliko nya ay saktong nakita nya ang pagdating ng kalaban sa likod ni Gary.

Babarilin na sana nya ito pero napakunot sa inis ang kilay nya ng malamang wala na itong bala.

Inihagis nya ang hawak na baril sa sahig at mabilis na yumuko para kunin ang paborito nyang jack knife sa kanyang binti.

Marunong syang gumamit ng baril pero mas eksperto sya sa pag gamit ng patalim.

Maliksi syang sumugod sa kalaban at mabilis sa pinatamaan ang leeg nito gamit ang armas na kanyang gamit.

"Thanks Brad," ani Gary sa kanya pagtapos nyang iligtas ito.

Tumango lamang sya at nagpatuloy sa pakikipaglaban.

Dugo.

Tumalamsik sa kanyang mukha, damit at sa kanyang buong katawan ang dugo ng lahat ng kalaban na kanyang tinalo.

Kahit anong lingon nya ay di nya mahanap ang kanyang boss.

" Saan kaya nagsuot si Boss?" bulong pa nya sabay iwas sa balang pinakawalan ng kalaban.

🌈MIRACLE BABY [BL/MPREG]Where stories live. Discover now