MB 23

1.5K 110 18
                                    

3RD PERSON'S POV

HINDI agad na-realize ni Gino na ang araw pala ng kaarawan ni Yuan ay ang araw din ng pagbalik ng kambal mula sa isang linggo nitong suspension.

"Yan na nga ba ang sinasabi ko bhes," kinakabahang bulong pa ni Mars sa kanya ng makita nila mula sa di kalayuan sina Elvin at Eldran.

Mukhang makakasalubong pa nila ang mga ito kaya nakaramdam na din siya ng takot.

Habang naglalakad sila papasok sa working station nila ay palabas naman ang kambal. Nagreport kasi ang mga ito tungkol sa pagbalik nila.

Napayuko na lamang si Gino para di na magtagpo pa ang kanilang mga mata kapag nagkasalubong na sila.

Ang araw na ito dapat ay magiging masaya dahil may surprise party para kay Sir Yuan nila mamaya. Wala sa isip nya na ngayon din pala ang balik ng mga bully na ito.

Kaunti na lamang at magkakatapat na sila at ang mga ito habang naglalakad.

Halos di na sya nahinga ng magkatapat sila, ramdam nyang pigil na din ang paghinga ni Mars sa kanyang tabi. Alam kasi nilang hindi palalampasin ng kambal ang mga nangyari.

"Ehh?" naguguluhan pang tanong ni Mars sa kanyang tabi ng lumampas ang kambal na parang di sila manlang nakita.

Nagkatinginan silang dalawa dahil sa nangyari.

"Woah, mukhang nagtanda na ang kambal na iyon ah," turan ulit ni Mars sa kanyang tabi habang patungo sila sa kanilang table.

"Siguro nagising na sila sa katotohanan na mali ang ginagawa nila," aniya habang napapatango.

Lumuwag ang kanyang dibdib at kalooban na malaman na hindi na sila muling guguluhin ng mga ito.

"Sana nga bhes Gino, ang tatanda na rin nila para mangbully pa," pagsang ayon pa sa kanya ni Mars.

Naging mabilis ang oras para sa lahat ng nasa opisina, lahat sila ay excited para sa party na inihanda nila para sa kanilang supervisor na si Sir Yuan.

Sumapit na ang lunch break nila kaya masaya silang nagtungo sa cafeteria para makasama si Jewel.

Mabilis nila itong nakita na nakaupo sa lagi nilang pwesto.

Si Mars ay dumeretso sa counter para bumili ng pagkain, siya naman ay nagtungo na kay Jewel.

"Siz, nabalitaan ko yung surpise party mamaya," pabulong na sabi pa nito sa kanya ng makaupo na sya.

"Oo jewel, para sa birthday ni Sir."

"Alam kong di pa ako taga dun sa department nyo, pero pwede ba akong umattend?" nagpapaawa pa nitong sabi sa kanya.

"Ah pwede naman siguro wala namang masama."

"Yey! I'm so happy! Crush ko pa naman yang si Sir Yuan!" nagba-blush pang turan nito kaya napakamot sya sa kanyang ulo.

Habang naghihintay sila kay Mars ay patuloy ang pagchika ni Jewel sa kanya. Napapatango lamang sya sa mga sinasabi nito pero ang isip nya ay nasa isang tao lamang.

Simula kasi ng magkalapit sila ni Cain ay lagi na sya nitong sinusundo at inihahatid sa kanyang apartment.

Dahil hindi nila agad nabilhan ng regalo si Sir Yuan ng unang beses ay sinamahan mula sya ni Cain para bumili. Sa pagkakataong iyon ay nakapili na sya ng tamang regalo para dito.

Napapangiti pa nga sya habang na-aalala ang nakasimangot na mukha ni Cain sa buong oras na namimili sya ng pwedeng iregalo para sa kanyang boss na si Yuan.

"Mga prends, sorry sa paghihintay," turan pa ni Mars nang makarating na ito sa kanilang table.

"Hayss, Siz Mars, kanina pa akong salita ng salita dito eh, ito namang si Siz Gino ay iba ang iniisip."

🌈MIRACLE BABY [BL/MPREG]Where stories live. Discover now