MB 7

2K 152 19
                                    


'Deal'

Isang salita na nagbigay ng matinding kuryente na dumadaloy sa aking katawan.

Dahil sa malapit kami sa isa't isa ay di ko maiwasan na maamoy ang kanyang katawan.

'Goodness!!, No!! hindi pwede to', gulat na sabi ko pa sa aking sarili sabay tulak sa kanya palayo.

"What's the matter, are you chicken out?", mapang asar na sabi pa nito habang nanlalaki naman ang mata kong nakatingin sa kanya.

'Ang pakiramdam at amoy nya ay katulad din ng lalaki nasa panaginip ko', alarmang sabi ko pa sa aking sarili.

'Nagha-hallucinate ba ako o pati boses nya ay hawig din sa lalaking yun?? pero imposible', naguguluhang turan ko pa.

Dahil sa lalim ng iniisip ko ay di ko na napansin ang paglapit nya.

"Hey, hindi pa naman nagbabago ang offer mo di ba?", tanong pa nito habang nakahawak ang kamay sa baba ko para iharap sa kanya.

Hinampas ko ang kamay nya dahil nakakaramdaman ko parin ang malakas na kabog ng dibdib ko kapag hinahawakan nya ako.

May kung ano sa kanya na nag-aattract sa akin, ang matalas at wala bang emosyon nyang mga mata, ang makapal at dark brown nyang kilay at buhok o baka naman ang matapos na ilong?. Sumatotal napakagwapo pala talaga nitong si Mr. Callboy kaya pala pinag aagawan sya, may pagka-foreigner ang itsura nya.

'Eh paano naman ang manipis at masarap nyang mga labi?', tanong pa ng malandi kong utak.

'Ewan ko sayo, tumahimik ka na lang malandi kong utak', sagot ko naman sa utak ko habang napapailing para mawala ang mga isipin na ganun.

Napataas lang naman ang kilay nya sakin at nakatingin na para bang nababaliw ako.

Tumaas naman ang kilay ko ng makita kong may isang bakla na pumulupot sa braso ni Mr. Callboy.

"Siz, kung magkukwentuhan lang kayo at wala ka namang balak tikman sya ay ibigay mo lang samin", maarte pang sabi nito sakin kaya napasimangot ako.

"Nope, halika na Mr. Callboy", sabi ko pa dito sabay talikod.

Kahit di lumingon ay alam kong sumunod sya sakin.

Ang totoo ay hindi ko alam kung saan sya dadalhin, iuuwi ko ba sya sa bahay ko o dadalhin sa hotel?

Mukhang bakas sa mukha ko ang problema kaya ng may dumaan na taxi ay pumara sya, pinasakay nya ako ng una at saka tumabi sakain.

May sinabi syang lugar sa driver at tumango lang naman ito sa kanya.

"San tayo pupunta?", tanong ko pa sa kanya dahil hindi pamilyar ang lugar na sinabi nya.

"Dont worry, siguradong mag eenjoy ka sa lugar na iyon", sagot pa nito sakin sabay ngising may kahulugan kaya medyo kinilabutan ako.

Habang umaandar ang taxi ay napatanong ako sa aking sarili.

'Self, tama ba ang desisyon ko?', kinakabahang tanong ko pa dito.

Mabilis ang naging byahe namin papunta sa lugar na sinabi nya sa driver.

"Mga sir, nandito na tayo", sabi pa ng driver kaya naunang bumaba si Mr. Callboy , ako naman ay bumunot ng pera sa aking bag para bayaran ang taxi bago bumaba.

Laglag ang panga ko ng makita ang lugar kung nasan kami ngayon. Maliwanag, maingay at maraming tao, sa mga salita lang na yan ang pinakamaaaring maglarawan sa lugar na ito.

Maraming hotel, bar/clubs at iba pang gusali ang magkakatabi sa kahabaan ng buong street kung saan kami nakatayo.

Mangha akong napapalinga sa buong paligid dahil sobrang kakaiba ito sa mga lugar na napuntahan ko na.

🌈MIRACLE BABY [BL/MPREG]Where stories live. Discover now