MB 2

3.4K 208 31
                                    

I hope you enjoy reading this chapter 💕

Nagising ako kinabukasan na masakit ang ulo at katawan, nababasa din ang mukha ko dahil sa paglapat ng dila ni Miggs sa aking mukha.

Bumangon naman ako ng dahan- dahan habang tinitingnan ang paligid.

"Nandito ako sa kwarto ko?", bulong ko pa sa aking sarili habang nakatingin sa paligid at kay Miggs na masayang nakatingin sakin.

'Ibigsabihin ay panaginip lang ang lahat, hindi ako nagpunta sa baywalk at walang lalaki na tumulong sakin?', isip-isip ko pa habang nagpapasya nang tumayo at magpunta sa banyo para makapaghilamos ng mukha.

Dahil masama ang naging pakiramdam ko dahil sa hangover ay hindi ako nakapasok sa opisina.

Kahit masakit ang aking ulo ay hindi mawala sa aking isipan ang naging panaginip ko, kung panaginip nga ba iyon?

Pero imposible naman kasi talagang maging totoo ang bagay na iyon dahil paano nya ako maiibalik sa bahay ko kung hindi naman nya alam ito.

Ang amoy at boses nya ay malinaw sa aking isipan kaya gustong maniwala na totoo ang lahat.

---------END OF FLASHBACK--------

"Ano bhes, tulala ka na lang dyan?", nagising ako sa malalim na pagbabalik tanaw ko sa aking alala dahil sa sinabi ni Mars.

"A-Ah wala, may naalala lang ako", sagot ko naman sa kanya at pilit na nagfocus para magawa ko na ng maayos ang aking report, kailangan ko pa itong ipasa mamaya.

Lumipas ang mga oras ng kay bilis habang abala ako sa pag eedit ng report ko, napansin ko na lamang na lunch break na ng yayain ako ni Mars na kumain na.

"Bhes, halika na lunch na tayo, gutom na ako", sabi pa nito kaya tumango ako at kinuha ang paperbag sa ilalim ng table ko na may laman na pagkain.

"Bhes Gino, bibili lang ako", turan pa ni Mars nang makarating kami sa cafeteria at pumila na ito para bumili.

"Sige", tipid na sagot ko naman sa kanya at nagpasya na lamang na maghanap ng table.

Sa gilid na parte ng cafeteria ako nakahanap ng bakanteng table kaya mabilis na umupo agad ako at habang hinihintay si Mars ay minabuti ko nang iayos ang pagkain ko palabas sa paperbag.

Pagkatapos ilabas lahat ng baon kong pagkain ay napatingin ako sa paligid ko para hanapin si Mars pero mukhang nakapila pa rin sya hanggang ngayon.

Sa pagmamasid ko sa paligid ay nahagid ng aking peripheral vision ang kambal na sina Eldran at Elvin na nakaupo sa malapit na table kung saan ako nakaupo.

Ang lalakas ng boses nila na kung magkwentuhan, parang walang ibang tao na nakakarinig sa kanila.

'Hm, hindi ko din naman sila masisisi dahil asset nila sa pagtatrabajo ang boses, nasa sales department kasi sila', isip-isip ko pa habang patuloy na nakayuko, baka kasi mapansin nila ako.

Trouble ang dalawang yan kaya hindi ko sila pinapansin. Mga bully sila at mahilig nilang pagtripan ang mga newbie ng kumpanya pero pansin ko lang na ang tagal ko na din dito sa kumpanya pero hindi pa rin sila nagsasawang pagtripan ako.

Maya-maya pa ay narinig ko ang pag uusap nila.

"Uyy Marcy!! halika, dito kana sa table namin maglunch"

Rinig ko pa ang matinis na boses ni Elvin na tinatawag ang pangalan ni Mars.

"Eh? Sorry guys kasabay ko kasi si Gino"

Sagot naman ni Mars sa mga ito, dahil nacurious ako kung anong nangyayari ay sumusulyap ako sa kanila.

Base sa nakita ko ay hindi nagustuhan ng kambal ang sagot ni Mars dahil mas pinila nya ako kesa sa kanila.

🌈MIRACLE BABY [BL/MPREG]Where stories live. Discover now