MB 14

1.8K 129 15
                                    

THIRD PERSON'S POV

"Bhes, ihahatid ka na namin pauwi"

"Hindi na Mars. Okay lang ako, alam ko namang may date pa kayo," natatawa pa nyang sabi sa kaibigan para 'di na ito mag alala sa kanya.

"Sorry talaga bhes, nasakt--"

"Ano ka ba, wala ito at saka wag ka nang mag drama dyan, hindi bagay sayo Mars," pagbibiro pa niya.

Napangiti naman ito sa kanya at niyakap siya bago umalis.

Napabuntong hininga na lamang si Gino habang naghihintay ng taxi. Wala na ang pamumula ng kanyang pisngi pero kumikirot pa rin ito.

Natatakot siya kasi baka balikan siya ni Elvin at Eldran dahil sa nangyaring ito pero nangako naman si sir Yuan sa kanya na gagawan nito ng paraan ang kambal kapag sinaktan siya muli nito. Dahil sa pangakong iyon ay medyo nakahinga siya ng maluwag.

Pero kahit gano'n ay ramdam pa rin ni Gino ang bigat ng kanyang dibdib at kalooban. Gustong lumabas ng kanyang mga luha pero pilit niya itong pinipigilan.

'Hindi ko dapat iyakan ang mga ganitong bagay, kaya ko ito,' bulong niya sa sarili habang kinukusot ang mata.

Maya-maya pa ay may dumating ng taxi kaya mabilis syang sumakay doon.

Gusto na sana nyang umuwi at magpahinga pero ng mabuklat niya ang loob ng kanyang bag ay nakita niya muli ang sobreng puti na may lamang pera para kay Cain.

Nagdadalawang isip siya kung pupuntahan pa ba niya ito, lalo na dahil hindi niya alam ang pangalan ng lugar na pinuntahan nila noon.

"Ser--"

"Ser, saan ko po kayo ihahatid?" Natauhan naman sya dahil sa tanong ng driver.

'Hayss para matapos na rin ito,' aniya sa kanyang isip at inilarawan ang lugar na gusto niyang puntahan sa driver.

Mabuti na lamang dahil nito ang lugar na iyon kaya napasandal na lamang siya sa upuan habang hinihintay na makarating sa kanyang destinasyon.

Makalipas ng kalahating oras ay natanaw niya mula sa bintana ng taxi ang pamilyar na lugar.

Maingay, maliwanag at maraming tao. Tumabi sa gilid ang taxi na kanyang sinasakyan, nagbayad muna siya bago bumaba dito. Naglakad-lakad siya para hanapin ang hotel na pinuntahan nila noon.

Hindi ganoon ka pamilyar ang itsura ng love hotel na iyon sa kanya kaya nahihirapan soyang hanapin ito. Gustohin man nyang magtanong ay natatakot sya.

Habang naglalakad ay napansin nyang ang oras sa lugar na ito ay hindi mahalaga, kahit gaano na kagabi ay walang pakialam ang mga tao dito.

Marami syang nakakasalubong na mga prosti at mga taong mukhang adik kaya naman hangga't makakaya ay lagi syang nakayuko para di siya mapansin o pagdiskitahan ng mga ito.

May mga sumisitsit sa dereksyon niya pero di na lamang niya iyon pinapansin at ipinagpapatuloy na lang ang mabilis na paglalakad.

Kahit gaano kaliwanag ang lugar na ito ay na nanatili pa rin ang takot at kaba sa kanyang dibdib dahil pakiramdam niya ano mang oras ay may hihigit sa kanya dito.

Palinga-linga siya para hanapin ang hotel ng biglang may isang taong nakakuha ng kanyang attensyon. Naglalakad ito sa kabilang kalsada.

'Cain?' tanong pa niya sa kanyang isipan habang sinusundan ng tingin ang lalaking naglalakad kasabay ng karamihan.

Nawala na sa kanyang isipan na may mga sasakyan na dumadaan dahil bigla na lamang siyang tumawid ng mapansin na medyo nawawala na sa kanyang paningin ang lalaking kanyang pinaghihinalaan.

🌈MIRACLE BABY [BL/MPREG]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora