IMAHE
Magnus HavenNarito ako ngayon sa bahay at nagpapahinga. Bawat pag daan ng mga araw ay lalong sumasama ang aking kalagayan kaya na nanatili muna ako dito.
Nakaupo ako sa sofa sa maliit kong sala habang nakikinig sa radio, nahihilo ako kaya hindi ako nagkiki-kilos.
Naging magulo at masakit para sakin ang mga pangyayari sa mga nakalipas na araw at buwan.
Kapag naalala ko ang mga bagay na iyon ay hindi pa rin ako makapaniwala.
Maraming katanungan sa aking isipan na ano mang gawin ko ay hindi ko mahanap ang kasagutan.
Habang tulala ako sa kawalan ay patuloy na tumutugtug ang musika sa radio.
Mula dito ay nanggaling ang isang kantang tumutugma sa aking nararanasan ngayon.
🎤Kinukulayan ang isipan pabalik sa nakaraan🎤
Ang masasaya naming alaala na patuloy na bumabalik sa aking isipan habang nagpapatuloy ang kantang aking pinakikinggan.
Ang mga panahon na magkasama kami, yung pamamasyal namin sa park at iba pang lugar.
🎤'Wag mo nang balikan, patuloy ka lang masasaktan
Hindi nagkulang kakaisip sa isang magandang larawan
Paulit-ulit na binabanggit ang pangalang nakasanayan🎤
Ang bawat liriko ng musikang ito ay parang ginawa para sa aking pinagdadaan ngayon. Nakakalungkot man dahil tinatamaan ako sa masasakit na katotohanan na idinudulot nito pero kahit ganun ay hanggang ngayon, bukangbibig ko pa rin ang pangalan nya.
🎤Tayo ay pinagtagpo ngunit hindi tinadhana
Sadyang mapaglaro itong mundo🎤
'Pinagtagpo nga lamang ba tayo, hindi ba talaga tayo para sa isa't isa. Mahirap tanggapin pero ito nga ba ang tadhana nating dalawa', malungkot na turan ko pa sa aking sarili.
🎤Kinalimutan kahit nahihirapan
Para sa sariling kapakanan🎤Pilit kong kinakalimutan ka para makapagpatuloy ako ng sarili kong buhay na wala ka.
🎤Kinalimutan kahit nahihirapan
Mga oras na hindi na mababalikan🎤
Ang masasayang oras nating dalawa ay mananatiling isang kayaman para sa akin.
Ang mga ngiti, ngisi at mga tawa mong hanggang ngayon ay paulit-ulit kong nakikita at naririnig.
🎤Pinagtagpo ngunit hindi tinadhana
Puso natin ay hindi sa isa't isa🎤
Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang ang mga luha na kanina pang nagbabadyang pumatak ng marinig ko ang lirikong iyon.
'Kahit anong dasal at pilit ko, kung hindi mukhang hindi talaga tayo para sa isa't isa'
🎤Pinagtagpo ngunit hindi tinadhana🎤
Tulala at malalim ang aking mga iniisip sa pagtakbo ng oras. Ang sakit na aking nadarama sa kanyang pagkawala ay patuloy na bumabalik.
🎤Hanggang dito na lang
tayo🎤Napalingon ako sa kinalalagyan ng radio habang hinahaplos ang aking bilugang tyan.
'Kung hanggang dito na nga lang ba tayo, pero paano naman ang batang nasa sinapupunan ko ngayon?'
--------------------❤❤❤
Hi guys!!!
OH MY!!! ano kayang nangyari???😲😲😲
Abangan po natin sa mga susunod na chaps.
BYIEE 💕
BINABASA MO ANG
🌈MIRACLE BABY [BL/MPREG]
Romance"Miracles do happen, it's just up to you if you considered it to be a blessing or a curse." ◆◇◆◇◆◇◆◇ Ang buhay ni Gino ay tipikal, boring at simple lamang, ginugugol nya ang lahat ng oras mula umaga hanggang gabi sa pagtatrabaho at dahil maagang nau...