MB 39

1.1K 140 51
                                    

I hope you enjoy reading this
chapter 💕

3RD PERSON'S POV

NAGISING si Gino na masama ang pakiramdam. Nahihilo at nasusuka na naman siya.

Kailangan niyang pumunta sa banyo pero hinahadlangan siya ng kamay ni Cain na nakayakap sa kanyang bewang. Ang mainit na hininga nito na tumatama sa kanyang batok ay nagbibigay ng mumunting kuryente sa kanyang katawan.

Mukhang mahimbing ang tulog nito kaya dahan-dahan niyang tinanggal ang kamay nito. Dahil sa biglang pagtayo ay napahawak pa siya sa kanyang ulo dahil sa pagsakit nito.

Ang pagpunta sa banyo habang ganito ang pakiramdam ay talagang malaking misyon. Sa kalagitnaan ng paglalakad ay nakaramdam siya ng pagbaligtad ng sirkmura kaya napatakbo siya habang takip ang bibig.

"Bleuuhhhhh!!"

Nanghihina siyang napadantay sa lababo habang patuloy na sumusuka. Maya-maya pa ay narinig niya ang pagtawag ng humahangos na si Cain.

"Hey! babe," nag aalala nitong sambit nang makita ang kalagayan niya.

Mabilis lumapit sa kanya at madahan na hinaplos ang kanyang likod habang nakahawak ito sa kanyang bewang bilang suporta.

Matapos mailabas ang lahat ay inabutan siya nito ng tubig at saka binuhat pabalik sa kama.

Inihiga siya nito ng dahan-dahan at sinalat ulit ang noo at leeg.

"Cain, wala akong sakit. Okay lang ako."

'Baka anemic na talaga ako, hindi na naman kasi ako nakatulog kagabi,' isip isip pa niya habang pinagmamasdan si Cain.

Hindi kasi siya pinatulog ng narinig at nalaman kagabi. Ang pag uusap na iyon ni Jewel at Yuan ay talagang nagpagulo sa kanyang isipan.

"If I didn't witness what happened just now, I might believe you," anito at saka mabilis na nagpalit ng damit.

Nagtataka naman niyang tinitingnan ito nang kumuha rin ito ng damit para sa kanya at lumapit.

Tinulugan siyang iupo nito sa kama at pilit tinatanggal ang suot niyang bathrobe.

Kahit nanghihina ay nagpupumiglas pa rin siya dito.

"C-Cain, ano ba? w-wag mong tanggalin ang suot ko."

"Stay still, I'm just helping you to change your clothes," anito.

Tinanggal nito ang suot niyang robe kaya naman lumitaw ang maputi at makinis niyang balat.

"Ha!? Ayaw ko, bakit ba?"

"We're going to the nearest clinic in here," sagot nito habang inaamoy ang leeg at balikat niya.

"Wala nga akong sakit, at saka bakit mo ba ako inaamoy ha?"

"Sorry, I got distracted --" saad pa nito habang napapakamot sa batok.

"---and also that's the same thing you tell me before you left and look what's happening to you right now," pagdedepensa pa nito sabay suot sa kanya ng tshirt na hawak.

Napanguso naman siya dahil sa sinabi nito, ibigsabihin ba niyan ay di siya mapagkakatiwalaan. 'Tunay naman kasi na wala akong sakit.'

"Don't pout, I'm doing this for you and what do you think would've happened if I'm not here with you?"

Napataas ang kilay niya dahil sa ipinahibiwatig ng mga salita nito.
"Hmm ibigsabihin ba niyan ay sinundan mo talaga ako dito."

"No--Its not---tss.. yeah right," pag tanggi pa sana nito pero sa huli ay napaiwas na lang ito ng tingin dahil sa hiya.

🌈MIRACLE BABY [BL/MPREG]Where stories live. Discover now