MB 15

1.8K 117 20
                                    

THIRD PERSON'S POV

"Bakit mo nga pala ako hinahanap?" tanong pa nito sa kanya habang ginagamot ulit ang sugat niya sa tuhod.

Nandito sila sa sala pagkatapos kumain. Napansin ni Cain ang dumudugo pa ring sugat ni Gino kaya nagpumilit itong gamutin ulit siya.

Sinabi na nya dito na nagamot na niya ito pero ayaw pa rin nitong magpapigil, hindi pa daw nalilinis ang sugat kaya baka mag empiksyon pa ito.

"A-Aray naman," sabi pa ni Gino dito habang lumalapat ang bulak na may alcohol sa gasgas nyang tuhod.

"Hindi mo ba sasagutin ang tanong ko?" tanong muli nito kaya napaisip siya kung bakit nga siya nagpunta sa lugar na iyon.

"AH ALAM KO N--Ahhrayy!!!"

Sigaw pa niya habang napapaluha sa sakit. Naalala na kasi niya na dahil sa pera kaya nga pala niya hinahanap si Cain.

Dahil sa biglang paggalaw ni Gino ay natabig nya ang kamay ni Cain na may hawak na bote ng alcohol kaya natapon lahat ito sa kanyang tuhod.

"A-Ang sakit," reklamo pa niya na parang batang napapaiyak dahil sa hapdi ng kanyang sugat.

Hindi naman magkaintindihan si Cain sa pagpupunas sa tuhod niya para mawala ang alcohol dito. Napakamot pa ito sa batok at nagkasalubong ang kilay dahil sa pagka-stress sa kanya.

"Lapitin ka talaga ng desgrasya dahil sa kalikutan mo," sabi pa nito kaya napasinghot lamang siya dahil masakit pa rin ito.

Naawa naman sa kanya ito at hinihipan ang kanyang sugat.

"Salamat, Cain," aniya pagkatapos bendahan nito ang kanyang sugat.

Tumango lang naman ito bilang sagot, tumayo siya ng dahan-dahan para makapunta sa kwarto at makuha ang pera na nasa kanyang Bag.

Dahil medyo mahapdi na lamang ito ay nakakalakad naman siya ng maayos.

"Yan ang dahilan kung bakit kita hinahanap, tanggapin mo na," saad niya sabay abot ng isang puting sobre na may lamang pera kaya Cain nang makabalik siya sa sala.

Tinanggap naman nito at sinisilip ang laman ng sobre.

"For what?" walang emosyon ang mukha pero bakas ang pagtataka sa boses nito habang nagtatanong sa kanya.

"Yan ang bayad ko sayo nung una tayong magkita," mahinahong tugon naman niya.

Napataas naman ang kilay ng kanyang kausap bago sumagot. "Then?"

Napakunot naman ang kilay niya dahil sa sinabi nito pero sinagot pa rin nya ito.

"Hindi mo kinuha kaya hinanap kita para ibigay, baka naman isipin mo na hindi kita binayaran."

"What makes you think that I want it, the thought that I didnt take it in the first place means one thing, right?" sagot pa nito sa kanya gamit ang poker face kaya nahihirapan siyang alamin kung seryoso ba ito o hindi.

'Sinong baliw ang tumatanggi sa pera? Ako na nga ang nagpakahirap hanapin sya, tapos mag iinarte pa. Ma-pride din ng lalaking ito,' napapailing na sabi pa nya sa kanyang isip.

"So, sinasabi mo na wala kang balak tanggapin yan?"

"Is'nt that obvious? I haven't done the service so why would I accept the payment?" walang interes na sagot nito at tumayo na sa kumportable pagkakaupo sa kanyang sofa.

Napabuntong hininga naman siya.

'Wag pilitin kung ayaw, gusto ko lang naman sana syang tulungan kung tunay nga ang sinabi ni Mars na kalagayan nya, kung hindi naman ay wala na akong pakialam pa.'

🌈MIRACLE BABY [BL/MPREG]Where stories live. Discover now