MB 20

1.6K 121 29
                                    

GINO'S POV

["Why are you pouting? Dapat ba sa labi kita hinalikan kanina?" ]

"A-Anong sabi mo!? Mahiya ka naman," inis na sigaw ko pa sabay takbo palapit sa kanya.

Nakita ko pa nang mangibabaw sa labi ni Cain ang ngiti na umaabot sa kanyang mga mata. Sa unang pagkakataon ay nakita ko ang pagkakaroon ng emosyon sa kanyang mukha.

Tumatawa siyang tumakbo palayo sa'kin, Napangiti rin at masaya akong hinabol siya.

Mula sa kalsadang halos walang dumadaan dahil malalim na ang gabi ay naganap ang masayang tagpo sa aking buhay.

Minsan madarama o mararanasan natin ang itinuturing nating masayang pangyayari kahit sa pinaka-di natin inaasahang pagkakataon. At masasabi kong isa ang oras na ito sa mga pagkakataong iyon dahil naipapakita ko sa kanya kung sino ba talaga ako.

Pag siya ang kasama ko hindi ako nahihiyang maging madaldal o maingay, hindi ko kailangang kontrolin ang sarili ko para lang hindi husgahan ng ibang tao. Alam ko sa aking sarili na iba siya sa lahat.

Sa kanya ko nararanasan na maging malaya at maligaya.

Pagkatapos ng masaya at magulo naming habulan, sa wakas ay naabutan ko na rin siya. "A-Akala mo di kita maabutan ha," hinihingal na saad ko habang hinampas ang braso niya.

Tumatawa lang naman siya habang tinatanggap lahat ng aking mga hampas sa kanya, maya-maya pa ay nagulat ako ng hawakan niya ang dalawa kong kamay para pigilan ang ginagawa ko.

Napatingala ako sa kanya nang may takot na ekspresyon ng makita ko ang ngisi na nakapinta sa kanyang labi. Napapikit na lamang ako para paghandaan ang gagawin nyang pagganti sa akin.

Lumipas ang ilang minuto pero wala siyang ginawa, imumulat ko na sana ang aking mga mata para tingnan ang ginagawa niya, nagulat na lang ako ng maramdaman ko ang mainit niyang katawan na nakayakap na sa akin.

Ang malamig na gabi ay naibsan dahil sa kanyang ginawa. Para akong na hipnotisyo at wala nang nagawa kun'di ang magpadala sa init at sarap ng nararamdaman ko ngayon.

Hindi ko namalayan na nasuklian ko na rin ang ginawa nyang pagyakap at napasiksik pa ako sa matigas at matipuno nyang dibdib. Sa oras na iyon ay nalasap ko muli ang pakiramdam ng pagiging ligtas dahil sa kanya.

Hindi ko na alam kung ilang minuto ang lumipas habang nasa gano'n kaming posisyon, nilasap ko na lamang ang bawat paghigpit ng kanyang yakap at ang mga halik niya sa aking buhok habang nalulunod kami sa presensya ng bawat isa.

Hindi pa siguro kami maghihiwalay kun'di tumahol ang isang aso sa di kalayuan. Para kaming dalawang magnet na magkaparehas ng dereksyon at mabilis na naghiwalay sa isa't isa. Hindi ako makatingin sa kanya dahil sa hiyang aking nararamdaman.

Nanatili akong nakayuko habang nasilayan ko naman ang pares ng paa niyang palapit sa akin.

"Its okay, I dont tell anyone that you're a hugging monster," hindi ko man nakikita ang kanyang mukha ay alam ko mula sa boses pa lang niya ang kanyang pagngisi.

'Napakayabang talaga ng Callboy na ito, siya nga ang unang yumakap eh.'

Kunot-noo ko siyang tiningnan dahil sa kanyang sinabi. Hinarap lang naman niya ako nang tinatawag nilang "Makalaglag panty na ngisi."

'S-Sorry di na-epekto sa'kin yan,' pagkumbinsi ko pa sa aking sarili kahit nakakapanghina ng tuhod ang mga ngiti at ngisi niya.

"Ang yabang mo talaga!" inis na turan ko pa. Lalo lang naman siyang natuwa sa reaksyon ko at ginulo pa ang aking buhok.

🌈MIRACLE BABY [BL/MPREG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon