MB 44

1.3K 178 78
                                    

I hope you enjoy reading this chapter 💕

3RD PERSON'S POV

"Tangna ang sakit Hon, dahan-dahan naman."

"Shut your fucking mouth Hellix, ginagamot ka na nga, nagrereklamo ka pa!"

Napailing na lamang si Cain dahil sa ingay ng mga ito.

Nakasakay sila sa Van ngayon at paalis na sa lugar na iyon. Dahil sa pagod ay naipikit niya ang mga mata at sumandal sa gilid para makapag pahinga.

Hanggang ngayon ay mabilis at malakas pa rin ang kabog ng kanyang dibdib. Ang kaba na kanyang nararamdaman ay hindi pa rin humuhupa.

Sa pag pikit niya ay nanunumbalik ang lahat ng pangyayari na naganap kanina lamang.

NOOOOO!!!

Mabilis siyang tumakbo para pigilan si Viktor. Bago pa nito mabaril si Hellix ay naitulak na niya ito palayo.

Nagpambuno sila nito sa sahig habang nagpapatuloy ang barilan sa kanilang pagilid. Dumating kasi ang mga natitirang tauhan nito kaya nagkaroon ulit ng ingkwentro.

Malakas niya itong sinuntok sa mukha ng paulit ulit, sinubukan nitong dumepensa pero wala itong nagawa ng tamaan niya ang panga nito. Bubunutin na sana niya ang reserbang baril nang biglang makaramdam siya ng kirot sa bandang tagiliran niya.

Nagpanggap lamang pala ito na nanghihina at mabilis na kinuha ang pocket knife na nasa kanyang tactical gear.

Napangiwi na lamang siya ng maramdaman ang pagmanhid ng kanyang tagiliran, kasabay nito ang pagbuhos ng masagana niyang dugo.

Ngumisi ito na para bang nagtagumpay na dahil sa sugat na natamo niya.

Hindi nito inaasahan na gagawa siya ng kakaibang desisyon. Pansin ni Cain na nakatikod ito sa gilid ng rooftop.

Kaya naman ubod lakas niya itong niyakap patalon sa gilid ng building. Bago sila tuluyang mahulog ay kumapit siya sa naka usling bakal sa gilid ng building kaya naman mag isang nahulog si Viktor at nilamon ito ng nagngangalit na apoy sa baba.

Malalim ang naging tama niya sa tagiliran at marami na rin ang gulo na nawala sa kanya. Habang nakasabit sila sa gilid ng building ay ramdam niya ang unti-unting pagkawala ng kanyang malay.

Nang pipikit na siya ay may narinig siyang boses na tumatawag sa kanyang pangalan.

"Cain," ang malambing na boses ng kanyang Ginobabes habang masayang nakangiti ito sa kanya.

'No, I can't die here, I still have a family to go back to!'

Dahil sa isiping iyon ay nagkaroon muli siya ng lakas at dahan-dahang umakyat pabalik sa rooftop.

Kaunti na lamang pero hindi niya inaasahang dudulas ang kanyang kapit kaya napabitaw siya.

'Fuck!!'

Bago pa siya tuluyang mahulog ay may kumapit sa kanyang kamay.

"Boss, kapit ka lang," nakangiting saad sa kanya ni Hellix.

Tinulugan din siya ni Gary at hinigit pataas.

Habang inuubos ng kanyang mga tauhan ang kalaban ay isang malakas na pagsabog ang nagmula sa ibabang palapag ng gusali.

Akay-akay sila ng mga kasama palabas ng nasusunog na gusali na iyon. Mabuti na lamang at bago sumabog ang buong lugar ay nakalabas na sila.

Napalingon muli siya sa gusaling nilalamon ng apoy at napabulong..

🌈MIRACLE BABY [BL/MPREG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon