MB 37

1.2K 127 52
                                    

I hope you enjoy reading this chapter 💕

GINO'S POV

"AHHHHH!!" malakas kong sigaw habang nagpupumiglas sa mahigpit nitong pagkakahawak sa akin.

Dahil sa takot at kaba ay wala akong ibang ginawa kung hindi ang sumigaw. Isama mo pa na napakadilim dito sa eskinita kaya wala rin akong makita.

Pilit kong tinatanggal ang kamay na nakahawak sa braso ko pero wala na akong nagawa nang mabilis ako nitong naitulak sa pader at kinulong sa pagitan ng malaki nitong katawan.

"BITAWAN MO---!"

Napatigil ako sa pagsigaw ng bigla ako nitong siilin ng isang mapusok na halik.

Ang mainit na labi nitong nanggi-gigil sa pag angkin ng aking labi ay naging sanhi ng panghihina ng aking tuhod.

Hawak nito ang aking bewang malapit sa kanyang katawan na para bang yakap ako nito.

Dahil sa tindi ng sensasyong aking nararamdaman ay hindi ko napansin na tinutugon ko na ang mga halik nito.

Sa madilim na lugar na iyon ay maririnig ang mahihinang ungol galing sa aming dalawa.

Ang dila nya na para bang may hinahanap at nilalasahan ang bawat sulok ng aking bibig, nakakahiya naman sapagkat alam kong tumutulo na ang aking laway sa gilid ng labi ko ngayon.

Itulak ko man ito ng ilang ulit ay hindi man lang ito natitinag. Ang kamay ko na humahampas sa dibdib nito ay mabilis nyang hinawakan at inilagay sa pader.

Medyo nakakaramdam na ako ng hilo dahil sa pagkaubos ng hininga, patuloy at wala kasing tigil ito sa paggalugad sa buo kong bibig.

Ilang segundong nakalipas ay tumigil na rin ito. Habol ko ang aking hininga dahil sa matinding halikan na iyon.

"G-GAGO K-KA CAIN!! P-Papatayi---" sa pangalawang pagkakataon ay inangkin na naman nito ang aking labi.

Ramdam ko sa mga halik nya ang inis at galit nito na hindi ko naman alam ang pinagmulan at dahilan.

Bumitaw ito sa aking labi at dumako ang mainit nyang hininga sa aking leeg. Napakislot din ako sa gulat nang maramdaman ang kamay nito sa aking pwetan.

Sabay sa pagkagat niya sa aking leeg ay pinisil din niya ang aking malusog na pwetan.

"Ah! Aray koo!" daing ko pa sabay tulak sa kanya, umagwat lang naman ito ng kaunti pero nakahawak pa rin ang mga kamay sa aking bewang.

Hindi ko man siya lubos na makita dahil sa dilim dito ay pansin ko pa rin ang ngisi na naglalaro sa mga labi nito.

Akala ko tapos pero nagawa pa ni Cain na bumulong sa aking tenga bago ako bitawan ng tuluyan.  "That's a warning, Ginobabes."

Pagkasabi niya ng mga katagang iyon ay naglaho na siya sa kadiliman.

Kung hindi ako nakakapit sa pader ay siguradong napasalampak na ako sa sahig ngayon.

'Gago talaga ang Callboy na yun, ang lakas mang halik tapos iiwan lang ako ng ganito.'

Sumandal muna ako sa pader habang pinapakalma ang sarili. Hanggang ngayon kasi ay malakas at mabilis pa rin ang tibok ng puso, nangangatal ang tunod at namumula ang pisngi ko.

Maya-maya pa ay dahan-dahan akong naglakad palabas sa eskinitang iyon. Napahinga ako ng maluwag ng masilayan ang kalsada. 'Gabi na, pagod na ako kaya gusto ko nang umuwi.'

Maglalakad na sana ako palayo ng mula sa aking likuran ay may humila sa braso ko at mabilis na binuhat ako na parang sa bagong kasal.

Dahil sa bilis ng mga pangyayari ay hindi na ako nakapag-react pa. Napakapit na lamang ako sa leeg ni Cain.

🌈MIRACLE BABY [BL/MPREG]Where stories live. Discover now