MB 24

1.5K 140 33
                                    

3RD PERSON'S POV

Madilim, madumi at nakakatakot na gusali.

May mga kalalakihan na armado ang nasa lugar na ito para sa isang layunin.

Naalimpungatan si Gino dahil sa malamig na tubig na biglaang ibinuhos sa kanyang mukha.

"P-Pwahh!!"

Nahihirapan pang daing nya dahil pakiramdam nya ay malulunod sya dahil sa tubig na pumasok sa ilong at bibig niya.

Gustuhin man nyang tumayo ay nakatali ang magkabila nyang kamay sa kalawanging kama.

Umiikot pa rin ang kanyang pakiramdam sa paligid hanggang ngayon, tagaktak ang kanyang pawis at habol na ang kanyang paghinga.

'Bwisit, ano bang pakiramdam to? N-Nasan ako?' naguguluhang tanong pa nya sa sarili habang pilit iginagalaw ang kamay na nakatali.

Dahil sa dilim ng paligid ay wala syang maaninag na kahit ano, pero rinig nya ang mga yabag na papalapit sa kanyang kinaroroonan ngayon.

Nanginginig ang kanyang buong katawan dahil sa lamig na dulot ng pagkabasa ng kanyang katawan.

Maya-maya pa ay naramdaman nyang tumigil ang yabag sa kanyang tabi. Kasunod nito ay ang pagkasilaw nya dahil bigla na lamang nagliwanag buong paligid.

Kahit hinang hina at nanlalabo ang paningin ay nagawa pa rin nyang makilala ang dalawang taong nakatayo sa tabi ng kamang kanyang kinahihigaan.

"Oh hello there, Gino!" turan ng boses ng babae na kala mo ay masayang makita sya.

"E-Elvin?" mahina nyang bulong sa pangalan nito.

Napangisi naman ito ng malapad ganun din ang kakambal nito na si Eldran na nakatayo sa likuran nito.

"Nagustuhan mo ba ang regalo namin sayo?"

"A-Anong ginawa nyo sa'kin?" hinang hina na tanong nya sa mga ito.

"Gusto kong sabihin sayo pero wag na, malalaman mo din naman mamaya."

"Mag enjoy ka, binigyan na kita ng pagkakataon na ilabas yang kalandian mo ngayon. Tama yan mukhang ume-epekto na ang droga sa katawan mo."

Nanginig sya sa takot ng makita ang mga lalaking nakangisi at nakatingin ng may pagnanasa sa kanya.

"W-Wag, E-Elvin!" takot na sabi pa nya dito, pero hindi manlang nito pinakinggan ang pakiusap niya.

"Sana sapat na sila para hindi mo na ahasin si Sir Yuan sa'kin HAHAHA!" sabi nito na sinabayan pa ng malakas na pagtawa.

"H-Hindi, tigilan mo na ito!"

"TAMA LANG YAN SAYO MALANDING BAKLA! Kung di ka lang dumating at nanggulo, sana matagal na kami ni Sir, dapat ako ang minahal nya!!!" nanlilisik ang mga mata nito na nakatingin sa kanya habang binibigkas ang mga salitang yun.

Base sa nakikita ni Gino ay wala na sa katinuan si Elvin. Ang baluktot na pag iisip nito ay talagang nagdala ng takot at ganun din ang mga pwede pa nitong gawin sa kanya.

"Sa tingin mo pagkatapos nito ay magagawa ka pa nyang tingnan? HAHA nakakadiri ka!"

"P-Pakiusap wag!" pagmamaka awa pa nya dito habang bumubuhos ang luha sa kanyang takot na mga mata.

Habang nakikita ng kambal ang reaksyon nya ay lalong natutuwa ang mga ito.

"Sorry pero dapat lang yan sa mga kagaya mo," walang emosyong sabi ni Eldran at saka binuksan ang digital camera na nakatutuk sa kinalalagyan ni Gino.

Kahit parang inaapoy sa init ang pakiramdam nya at halos na mamanhin na ang buong katawan ay ramdam pa rin nya ang takot at kaba habang nakatingin sa mga lalaking palapit sa kanyang kinalalagyan.

🌈MIRACLE BABY [BL/MPREG]Where stories live. Discover now