MB 28

1.5K 118 29
                                    


I hope you enjoy reading this Chapter💕

3RD PERSON'S POV

MATAPOS ang misa ay nagtungo na sila sa isang amusement park na matagal nang gustong puntahan ni Gino.

Dahil medyo malayo ay napagpasyahan nilang magtaxi na papunta doon. "Ser, nandito na po tayo." Napatingin naman silang dalawa sa driver ng taxi dahil sa inihayag nito.

Sabik na bumaba si Gino at tiningnan ang lugar, maganda ito at maingay dahil maraming tao dito.

Masasaya at excited na mukha ng mga bata, mga magkahawak kamay na magkasintahan at syempre mga pamilya.

'Nakakatuwa silang pagmasdan, sana nakapunta din kami dito noong buhay pa ang aking mga magulang,' medyo nalungkot siya sa isiping iyon pero mabilis nya itong nabawi ng maalala na hindi pa nga pala sila nakakapagbayad ng taxi.

Hinugot niya ang coin purse sa bulsa at babayaran sana ito pero umiling si Cain sa kanya at ito na ang nagbayad.

Pagkabayad nito ay naglakad na ito palapit sa kanya. "Salamat Cain sa pagbabayad ng pamasahe natin, ako na ang bibili ng ticket natin," aniya dito pero nagtaka sya dahil umiling muli ito.

"Ha?" naguguluhan pa niyang tanong dito.

Ngumisi lang naman ito sa kanya
at walang sabi-sabing hinawakan ang kanyang kamay papasok sa entrance ng Amusement park.

Bawat mga kababaihang madaanan nila, may syota man o wala ay parang mababali ang leeg sa paghabol ng tingin kay Cain.

Medyo na iilang siya dahil sa pagtitig ng mga ito sa magkahawak nilang kamay kaya naman pilit nyang inaalis ito, kaso kahit anong subok nya ay hindi sya magtagumpay, napakahigpit ng pagkakahawak nito sa kanya.

Siguro nainis na din ito sa pagpupumiglas nya kaya tiningnan sya nito ng seryoso bago nagsalita.

"Maraming tao dito, gusto mo bang mawala?"

"C-Cain, matanda na ako. Kaya ko na ang sarili ko," pabulong na sagot naman niya dito.

"No," matigas na turan pa nito kaya napayuko na lang siya.

Habang nagbabayad ito ng ticket nila ay nakayuko lamang sya, naiinis siya dito dahil sa pagiging over protective nito.

Minsan pakiramdam niya ay hindi lang babae ang turing nito sa kanya, minsa nagiging bata rin, tulad ngayon.

Habang inilalagay nito sa kanyang pulsuhan ang wrist ticket ay na nanatili pa syang nakasimangot.

'Pakiramdam ko hindi kaibigan ang kasama ko ngayon, mas papasa pa sya bilang bodyguard.'

Dahil sa kung ano-anong iniisip nya ay hindi na nya nagawang iwasan ang paghalik nito sa kanyang pisngi.

Huli na ang lahat at napatulala na lamang sya ng napagtanto nya ang ginawa nito.

"L-Luko ka, bakit ka nanghahalik?" inis na sabi niya dito habang hinahampas ang braso nito gamit ang isa nyang kamay na hind hawak ni Cain.

"Well you're pouting again. Buti nga at sa pisngi lang kita hinalikan," sabi pa nito kaya napanganga sya sa kayabangan ng Callboy na ito.

Gigil na gigil na sya sa lalaking ito pero hindi niya maitatanggi na masaya itong kasama.

"Saan tayo pupunta? Sasakay na ba tayo sa mga rides?" sabik na sunod-sunod na tanong pa nya dito habang palinga-linga sila sa paligid.

"Hm, let's go there first," sabi pa nito sabay turo sa di kalayuan.

Maraming tao at maliit si Gino kaya hindi nya makita kung ano ang tinuturo nito, hinigit na lamang sya nito kung saan sila pupunta.

🌈MIRACLE BABY [BL/MPREG]Where stories live. Discover now