MB 29

1.6K 137 50
                                    

I hope you enjoy reading this Chapter💕

3RD PERSON'S POV

Limang araw na ang nakalipas magbuhat nang magpunta sila sa amusement park.

Nalaman niya na hindi nagsisimba at nagdadasal si Cain kaya ayaw nitong sumama sa kanya noon sa loob ng simbahan dahil naiilang ito.

Dahil sa nalamang iyon ay naisip niyang tulungan ito para mapalapit sa Diyos sa pamamagitan ng pagtuturong magdasal bago sila mag-agahan at maghapunan. Gano'n din kapag bago sila matulog. Natutuwa naman siya dahil kahit mukhang napipilitan ay patuloy na ito nakikinig at sumusunod sa kanya.

Nung una ay hindi nito alam ang gagawin pero makalipas ng ilang araw ay mukhang nasanay na rin itong magdasal kahit medyo nahihiya pa rin ito sa kanya.

Hindi niya maiwasang mag alala para dito, siya kasi ay pinalaki ng kanyang mga magulang na malapit at kilala ang Diyos. Hindi niya tuloy lubos maisip kung anong tumatakbo sa isip ni Cain at sa buhay nito kung wala itong pinaniniwalaan noon.

Mabuti na lamang ngayon dahil kahit paano ay nakikita na niya itong nagdadasal, hindi nga lamang niya alam ang hinihiling at ipinagdadasal nito.

Tungkol naman sa request nitong last hug bago sila maghiwalay sa umaga ay ginagawa na lamang nila sa loob ng bahay. Pinagtitinginan kasi silang dalawa kapag nagyayakapan sila sa may kanto.

Napapakagat labi na lang siya sa hiya kapag naiisip niya ang gulat na ekspresyon sa nukha ng mga taong nakakakita sa kanila. Ipinilig na lamang niya ang kanyang ulo para mawala ang mga alaalang iyon.

Ngayon ay byernes ng gabi at naglalatag na si Gino ng higaan para kay Cain sa sahig sapagkat naliligo pa ito ngayon sa banyo. Nandito na rin si Miggs para matulog.

Habang inaayos niya ang tulugan nito ay biglang nagawi ang kanyang paningin sa bagay na nakapatong sa bedside table niya.

Tumayo siya ng dahan-dahan at lumapit dito para puntahan ang bagay na iyon.

'Wallet pala ito ni Cain.'

Mukhang mamahalin ito at maraming laman kaya na-curious siya at naisipan niyang buksan.

Sa loob nito ay may makikitang litrato ng isang babae, luma na ang picture kaya naisipa nyang baka ito ang namayapang ina ni Cain.

Habang pinagmamasdan niya ang itsura ng babae ay hindi niya napigilang 'di mapangiti ng tipid.

Napakaganda kasi ng babae sa litrato, may hawig din ang ilang feature ng mukha ni Cain dito.

Matapos niyang titigan ang litrato ay napunta naman ang paningin niya sa iba't ibang mga cards na nakalagay sa loob nito. 'Ang daming Cards, para san kaya ang mga ito? -- Teka, ito kayang itim?'

Kukunin na sana niya ang itim na card ng marinig nya ang mga yabag na papalapit.

Dahil sa kaba at takot na baka mahuli siyang nakikialam ng gamit nito ay mabilis niyang naisara ang wallet at ipinatong ulit sa bedside table. Lingid sa kanyang kaalaman na may nahulog palang isang bagay galing sa loob ng wallet ni Cain.

Mabilis at parang walang nangyari na bumalik siya sa pag aayos ng higaan nito.

"You okay, Ginobabes?"

"O-Oo naman, halika matulog ka na," aniya pa dito sabay tapik sa kutson.

Hindi naman ito naniwala sa palpak niyang palusot at dahan-dahang lumapit sa kanya.

"Tell me, what is it?"

Malambing na bulong nito sa kanya kaya halos manginig siya sa init ng hininga nito na tumatama sa kanyang batok.

🌈MIRACLE BABY [BL/MPREG]Where stories live. Discover now