MB 45

1.1K 155 76
                                    

I hope you enjoy reading this chapter 💕

3RD PERSON'S POV

[----Mr. Cain Aziel Sinclar!!! ]

Tulala at hindi makapaniwala si Gino sa kanyang nakikita. Sa taas ng stage kung saan ay masayang ipinakikilala ng kanilang CEO ang lalaking matagal na niyang inaasam na makita.

Hindi maintindihan ni Gino kung anong mararamdaman ngayon. Napakaraming katanungan ang nasa kanyang isipan katulad na lamang ng...

Saan ito nagpunta? Matagal na ba talaga itong mayaman? Nagpapanggap lang ba itong Callboy?

Halos mahilo siya dahil sa mga bagay na iniisip, kahit sandamakdak ang mga katanungan na hindi niya kayang sagutin, may isang bagay lamang siya na sigurado sa sarili.

'Isang laruan lamang ako sa larong binuo mo, Cain.'

Hindi niya pansin na nangingilid na ang luha sa kanyang mga mata, sinubukan niyang tumingin deretso sa kinalalagyan nito at laking gulat niya na nakatingin din ito sa kanya.

Ang mukha nito ay blanko at walang nababakas na emosyon, ang mga mata nito ay na nanatiling nakatuon lamang sa kanya.

Kahit mahirap, kahit gustong gusto niyang tumakbo palapit dito ay mas pinili na lamang niyang umiwas ng tingin.

Habang tumatagal ay nahihirapan na siyang huminga sa lugar na ito.

Bukod sa malakas na palakpakan ay maririnig din ang mga tilian at bulungan ng mga babaeng employee.

'Ang gwapo pala ng CEO ng Z Corp.'

'My gosh, sana wala pa syang asawa, marry me, Mr. Sinclair.'

'Super gwapo na tapos mayaman pa, yiee sayong sayo na ako Mr. CEO.'

Habang naririnig ang lahat ng iyon ay ramaram ni Gino na lalong pagbigat ng kanyang dibdib.

Napasighap na lamang siya ng may humawak sa kanyang balikat.

"Bhes, okay ka lang?" nag aalalang tanong ni Mars sa kanya.

Si Jewel naman ay patuloy na hinahagod ang kanyang likod para kumalma siya. Hindi niya alam na nangangatal na pala ang kayang katawan.

Dahil siguro sa kanyang pagbubuntis ay mas emosyonal siya, sa oras na ito ay gustong gusto na niyang umiyak at humagolgol. Pilit lamang niya itong pinipigilan dahil ayaw niyang mag alala ang mga kaibigan.

Huminga siya ng malalim at umiling para sagutin ang tanong ni Mars kanina. hindi na niya kayang manatili pa rito ng ilang sandali pa. Ramdam niya ang mainit na titig sa kanya ni Cain at sobrang nagpapa kaba sa kanya iyon.

Naiintindihan naman ng kanyang mga kaibigan ang sitwasyon kaya ginabayan na siya ng mga ito palabas ng lobby at papunta sa elevator.

"Relax ka lang siz, inhale, exhale," saad ni Jewel habang nakaalalay sa isa niyang braso.

Nanghihina na kasi ang kanyang tuhod dahil sa matinding emosyon na nadarama.

Nang makarating sa harap ng elevator ay mabilis na pinindot ito ni Mars para bukas at makasakay sila.

Papasok na sana sila ng biglang may dumating na isang babae. Halatang hindi ito galing sa kanilang opisina sapagkat hindi pamilyar ang mukha nito.

"Excuse me, you are Mr. Dimapilit, right?"

Magalang na tumango naman siya bilang sagot dito.

"Can you please came with me for a second, Mr. Sinclair wants to have you in his offic--"

🌈MIRACLE BABY [BL/MPREG]Where stories live. Discover now