MB 5

2.3K 153 27
                                    

This meeting is held in the  purpose of union between Shinwoo Company and Z Corporation,

Pag-iintro ni ateng presentor habang katabi nito ang isang malaking Led TV.

Today we're talking about every decision and form a business cooperation by using the two company's idea in comes with the design of software of our new project.

'Wait, What?? Nasa Distribution department ako, bakit ako ang isinama ni Sir dito?' isip-isip ko pa habang nakikinig sa Presentor.

Bukod pa doon ay sa loob ng tatlong taon kong pagtatrabaho sa shinwoo Company ay ngayon pa lang ako nakasama sa ganitong conference.

Goodness, nagsisimula na akong kabahan dahil wala akong alam sa sinasabi ng presentor na ito, hindi ko trabaho bumuo at gumawa ng produkto.

Habang salita-salita ito sa unahan ay nagsisimula na itong magtanong sa bawat myembro ng magkabilang kumpanya.

Confident na tumatayo ang bawat representative na tinatanong nito kaya naman lalo akong napuno ng kaba.

Nang banggitin ni Miss presentor ang pangalan ko ay hindi ko na alam ang gagawin ko, nablanko na ang aking utak sa kaba. Katabi ko si Sir dito pero hindi ko magawang humarap sa kanya.

May ibinigay na folder sakin si Sir at sinabing basahin ko daw iyon.

Unti-unti naman akong tumayo at sinunod ang sabi ni Sir Yuan pero dahil sa pagiging introvert ko ay hindi ako sanay sa pressure na ibinibigay ng mga taong nasa loob ng conference room. Ang lahat ng attensyon nila ay nakaderekta sa akin.

Ano mang pilit ko sa aking sarili na magsalita ay di magawa dahil sa kaba at takot na nararamdam.

Ramdam kong nanginginig na ang aking mga kamay at nanlalabo na ang aking mata, ang malakas at mabilis na tibok ng aking puso ay umuubos sa aking hininga.

Ang naiinip na mukha ng presentor ay lalong bigay ng takot sakin.

Ano mang oras, pakiramdam ko mahihimatay na ako dito.

'H-Hindi ko ito kaya, G-Gusto ko nang umalis dito'

Yan ang mga salita na paulit-ulit na umiikot sa aking utak ngayon.

Bago pa ako mawalan ng malay dito ay nakaramdam ako ng isang tapik sa balikat.

"Apology,  my employee is not feeling well right now, let me recite our company's idea in the given project", sabi ni Sir Yuan at pinaupo na ulit ako.

Napayuko na lamang ako dahil sa kahihiyan, maliit na bagay lamang ay hindi ko pa nagawa.

Sa buong oras ng meeting ay nanatili lamang akong nakayuko habang nagpapatuloy sila hanggang sa nagkaroon ng water break.

"Gino, okay ka lang ba?", nag aalala pang tanong ni Sir sa akin.

Napatango naman ako sa kanya bago sumagot habang nakayuko, hindi ko sya kayang tinggan ng deretso sa mata. Pansin ko din na ngayon lamang nya ako tinawag sa aking pangalan. Lagi kasing epelyedo ang tawag nya saming lahat.

"O-Opo Sir", tipid na sagot ko naman dito.

"Are you really sure?", tanong pa ni Sir Yuan sabay abot sakin ng bote ng mineral water, nakatingin lang naman samin si Donna na parang inis na inis.

"A-Ayos lang po ako Sir Yuan, Sorry po talaga", sagot ko pa dito at binigyan ito ng isang ngiti, mukha namang nakahinga ng maluwag si Sir dahil sa sinabi ko.

Magsasalita pa sana ulit ito ng magdatingan na ang members ng kabilang kumpanya at maya-maya naman ay nagsimula na ulit ang meeting.

Natapos ang meeting sa pagkakamayan ni Sir Yuan at ng Manager ng Z Corporation.

🌈MIRACLE BABY [BL/MPREG]Where stories live. Discover now