MB 10

2.1K 154 14
                                    

"Bakit parang byernes santo yang mukha mo bhes Gino?"

'Bakit ba laging mukha ko ang napapansin agad nitong si Mars?' tanong ko pa sa aking sarili habang inilalapag ang aking gamit sa mesa, kadadating ko lamang kasi dito sa opisina.

"Wala naman Mars," sagot ko na lamang sa kanya.

Napabuntong hininga na lamang ako bago umupo sa harap ng aking mesa habang tumatakbo ang mga bagay na ito saking isipan..

Sinabi ko sa sarili ko na di ako naapektuhan sa sagot ni sir kagabi pero bakit hanggang ngayon ay di pa rin ako maka-move on dito.

"No apparent reason"

'Seriously sir? No apparent reason lang ang kaya mong isagot sakin pagkatapos mo akong ihatid, dalhin sa mamahaling resto at bigyan ng special treatment,' parang baliw na sermon ko pa sa aking isipan na parang kausap si sir.

Ang gulo naman kasi talaga nya. Atleast hindi ako aasa na kung sakali, sa tingin ko ay maganda na rin iyon na sinabi nya sakin kaagad. Baka kasi masanay ako sa mga espesyal na ipinapakita nya tapos " No apparent reason " lang pala.

Hindi ko man aminin sa sarili ko pero dahil sa laging pang aasar sakin ni Mars ay medyo nag-aassume na din ako na baka nga gusto ako ni sir, na baka may tao ng handa magmahal sakin pero isang malaking disappointment lang pala.

"Ano bhes, natulala ka na naman," sabi pa ni Mars habang iwinawagayway sa mukha ko ang kamay nya.

"May iniisip lang ako," tipid na sagot ko sa kanya. Gusto ko na ngang sabunutan ang buhok dahil sa dalawang lalaking gumugulo sa aking isipan.

Una si Cain, tapos ngayon naman ay si sir Yuan.

Dahil hindi pa rin ako nakakahanap ng lakas ng loob na sabihin kay Mars ang tungkol kay Cain ay hindi ko pa rin ito maikwento sa kanya.

"Gano'n ba, may good news pa naman ako sayo," nakanguso pang turan nito na parang nagtatampo.

Napaharap naman ako sa kanya dahil sa aking narinig at saka nagtanong.

"Anong good news?"

"Magiging tahimik lang naman ang buhay mo sa mga susunod na araw, bhes Gino," nakangisi pang sagot nito kaya lalo akong naguluhan.

"Ha? Deretsuhin mo na kasi Mars," Inip na sabi ko pa naman kaya sumimangot ito.

"Nukaba, surprise at isang malaki kasing himala iyon," sabi pa nito kaya napailing ako.

'Ang daming alam ng baklang to, masyadong pasuspense eh,' isip-isip ko pa habang hinihintay na sabihin na nya.

"Okay okay sasabihin ko na nga"-- sabi pa nito ng makita ang inip na ekspresyon sa mukha ko---" walang mangbubully sayo sa loob ng tatlong araw dahil nasa business trip ang kambal," masaya pagbabalita nito kaya napataas ang kilay ko.

'Mukhang makakahinga ako ng maluwag sa loob ng tatlong araw, maganda ngang balita yan,' sabi ko pa sa aking isipan habang napapatango.

"San mo naman nalaman yan, Mars?" tanong ko pa dito, baka kasi hindi tunay ang nasagap nyang chismis.

"Kay Haizel, yung kaibigan ko sa Sales department," sagot naman nito kaya napatango na lang ako, hindi ko nga kilala ang taong sinasabi nya. Hindi na ako nagtataka, marami kasi talagang kaibigan at kakilala si Mars pati sa ibang department ng kumpanyang ito.

Ang mahalaga ay magiging malaya ako sa takot at pangamba dahil sa pagkawala ng kambal na iyon kahit ilang araw lang.

"Mars, salamat sa balita," nakangiti ko pang sabi dito kaya sinagot lamang nya ako sa pamamagitan ng paggulo sa buhok ko.

🌈MIRACLE BABY [BL/MPREG]Where stories live. Discover now