MB 6

2.1K 148 29
                                    

Pagkatapos kumain ay bumalik na kami ni Sir sa kumpanya.

Nauna si Sir na umakyat sa aming floor habang naiwan naman ako sa frontdesk sa ground floor para maglog-in ulit gamit ang aking ID.

Habang pasakay ako sa elevator ay napasilay pa ako sa oras na nasa aking cellphone.

"5:00 pm na pala", bulong ko pa sa aking sarili. Mukahang aayusin ko na lang lahat ng aking mga naiwan na trabaho at makakauwi na rin ako.

Napangiti pa ako habang palabas ng elevator ng bumukas na ito. Bago makarating sa aming working station ay madadaanan muna ang resting area at Comport room kaya naisipan ko muna umihi bago bumalik sa aking table.

Napapasipol pa ako habang papasok dito kaso napasigaw ako sa gulat ng biglang may tumulak sakin ng malakas papasok sa banyo kaya napasalampak ako sa sahig.

"Aray ko", daing ko pa habang nakayuko at hawak ang masakit kong tuhod kaya hindi ko pansin ang taong lumapit sa aking harapan maliban lamang sa itim nitong heels na stelleto na nakatapat sa akin.

Narinig ko din na inilock nya ang pinto base sa tunog na ginawa nya.

"Ang kapal mo talagang BAKLA ka"

Nang marinig ko iyon ay hindi ko na kailangang tumingala para lang makita ang galit na mukha ni Elvin, bakas na bakas sa boses nito ang galit at pagkamuhi sakin.

"A-Ano bang ginaw--"

"At magtatanong ka pa talaga ha!?", sabi pa rin nito habang pinipigilan ang sarili na sumigaw ng malakas dahil siguradong maririnig sya sa labas pag ginawa nya iyon.

Napatayo ako ng wala sa oras ng hilahin nya ang buhok ko patayo.

"Ahrayy bitawan mo ako Elvin!!", sabi ko pa habang nagpupumiglas sa pagkakahawak nya, pero malaking babae si Elvin kaya para lang akong laruan sa kanya.

"Tumahimik kang Bakla ka, sumigaw ka ulit at kakalbuhin kita", galit na bulong pa nito sa akin kaya napatahimik ako.

"Ang kapal ng mukha mo na ipahiya si Sir sa conference kanina", gigil na gigil na sabi pa nito habang di binibitawan ang buhok ko. Napapangiwi na ako dahil sobrang sakit na talaga.

"H-Hindi ko naman ginusto y--"

"Talagang hindi mo din gugustuhin ang gagawin ko sayo!", galit na bulong pa nito sabay tuhod ng malakas saking tyan kaya napaluhod ako sa sakit.

'Tangna ang sakitt!!', sigaw ko pa sa aking isipan habang tumutulo ang luha sa aking mga mata.

Naramdaman ko na lumapit sya saking kinalalagyan, hinawakan muli nya ng mahigpit ang buhok para mapaharap ang mukha ko sa kanya.

"Ito ang tandaan mo GINO, wag na wag kang magsusumbong kay Marcel kung ayaw mong idamay namin sya at lalong lalo kay Sir dahil sisiguraduhin kong may masamang mangyayari sayo pag ginawa mo yun", gigil na turan pa nito habang nagngingit ngit ang bagang nito sa galit.

Dahil sa takot ay wala akong nagawa kundi ang mapatango habang patuloy ang pagbuhos ng aking mga luha.

Marahas naman nyang binitawan ang aking buhok ng makita nya ang takot sa aking mukha at ang aking sagot.

Tumayo na ito at inayos ang kanyang sarili, napayuko muli ako dahil sa sakit at awang nararamdaman para sa aking sarili.

Bago lumabas ay may sinabi pa itong isang bagay.

"Layuan mo Sir Yuan, kami ang bagay at hindi ang baklang kagaya mo"

Naiwan akong luhaan sa loob ng banyo, gumapang ako sa may pader para makasandal ako.

🌈MIRACLE BABY [BL/MPREG]Where stories live. Discover now