MB 40

1.1K 127 60
                                    

I hope you enjoy reading this chapter 💕


3RD PERSON'S POV

M

adilim ang paligid at walang maaninag na kahit ano si Gino.

Gusto niyang igalaw ang katawan pero hindi niya ito magawa. Parang nakagalos ang kanyang pakiramdam ngayon.

Malamig ang paligid at talagang nakakatakot lalo na nang makarinig siya ng tunog na nagmumula sa di kalayuan.

Tunog ito ng taong umiiyak, mahina pero ramdam niya ang sakit at paghihinagpis na nararamdaman ng taong iyon.

Gusto niyang alamain kung sino at lapitan ito pero di siya makagalaw.

Bukod sa mahinang pagtangis nito ay nakakarinig din siya ng mga bulong, halo halo ito kaya hindi niya maintindihan ng lubusan.

"I'm so sorry."

"This is my fault."

Habang tumatagal ay nakikilala niya ang boses na iyon, nagpilit siyang gumalaw at puntahan ito.

'Please gumalaw ka naman,' pakiusap pa niya sa kanyang katawan na nanatali lamang na nakatayo.

'Arrgg!!' Dahil sa pagpupumilit ay naigalaw niya ang mga paa. Hinihingal at pagod siyang napatingin sa madilim na paligid.

Nang maigalaw niya ang katawan ay nagmamadali siyang tumakbo kung saan nanggagaling ang boses.

Sa dulo ay may puting liwanag na sumalubong sa kanya. Napatakip siya ng mukha dahil sa liwanga nito.

"Ginobabes."

Napasinghap siya nang marinig ang tinig na iyon. Napamulat at maluha-luha siya ng makita ang pinakamamahal niyang lalaki.

Nakangiti ito pero may lungkot na makikita sa mga mata nito.

"I hope you can forgive me Ginobabes."

"Ha? Ano bang ibigsabihin m-- Cainn!!!" sigaw niya ng makitang unti-unting naglalaho ito sa kanyang paningin.

"T-Teka!!! Hintayin mo ako!! C-Cain!!!"

Halos madapa siya sa paghabol dito pero hindi ito tumigil.

Isang bagay lamang ang narinig niyang sinambit nito bago tuluyan nang naglaho sa kanyang paningin.

"I always love you."





"Pwahh!" habol ang hininga niya habang pilit inaaninag ang paligid. Halos wala syang makita dahil sa labo ng kanyang paningin. 'N-Nasaan ako?'

"Oh my gosh! Gising na si Bhes!!" mangiyak-ngiyak na sigaw ni Mars nangmakita ang paggising niya.

"Siz Gino!!"

"Teka, tatawag lang ako ng doktor," saad ni Yuan at sinamahan naman ni Kevin.

Rinig niya ang mga boses sa kanyang piligid pero hindi niya maintindihan ang mga ito.

Sa pag gising niya ay unti-unting bumabalik ang lahat ng mga nangyari. Malinaw sa kanyang alaala ang saktong naganap bago siya nawalan ng malay.

Sa kanyang paglingon ay napansin niya ang lalaking nakaitim, sugatan na ito pero nagawa pa nitong tumayo at itinutok sa gawi ni Cain ang baril na hawak.

Dahil sa gulat ay mabilis niyang itinulak si Cain palayo para di matamaan ng bala pero sa kasamaang palad ay nakaramdam siya ng pangmamanhid sa kanyang may balikat.

🌈MIRACLE BABY [BL/MPREG]Where stories live. Discover now