MB 38

1.1K 122 56
                                    

I hope you enjoy reading this chapter 💕

3RD PERSON'S POV

["Oo ako nga, okay naman siya dito.. Gusto mo bang makausap?"]

Hindi napigilan ni Gino na mapangiwi dahil sa sinabi nito. 'Walang duda, kaibigan nga ito ni Cain, baliw din eh.'

"H-Hind--"

Sasagot na sana siya nang biglang makarinig ng tahol mula sa kabilang linya, napatawa naman siya dahil alam niyang kay Miggs iyon.

Nagpasalamat at nagpaalam na siya sa lalaki nang makumperma niyang maayos naman ang alaga doon.

Makalipas ang isang oras ay tumawag si Mars at sinabing magdi-dinner na raw sila kaya maghanda na.

"Are you sure you want to bring me along with you, I'm fine to stay here."

"Oo sasama ka sa'kin, kakain lang naman tayo dun tapos babalik na rin kaagad," pangungumbinsi pa niya.

Sabik na ibinigay niya dito ang gray na polo shirt na binili kanina lamang.

"Yan ang isusuot mo Cain, sige na magbihis ka na."

Tumango naman ito at naghubad. Nang maisuot nito ang damit ay talaga namang mas lumitaw ang kagwapuhan at kakisigan nito.

Napanganga na lamang si Gino dahil sa itsura nito ngayon. 'Wah.. bagay na bagay sa kanya.. tama ang desisyon ko na bilhin ang polo shirt na yun kanina.'

"Close your mouth Ginobabes or else ----" Napangising saad ni Cain kaya mabilis niyang sinara ang nakabukang bibig.

Dahil sa hiya ay napatakbo na lamang siya sa banyo para magbihis din.

Makalipas ang kalahating oras ay handa na silang umalis, lumabas sila ng hotel at sumakay ng taxi papunta sa nasabing restaurant.

Sa pag usapan kasi nila na doon na lamang magkita-kita. Dahil gabi naman at walang traffic ay mabilis na nakarating sina Cain at Gino sa kanilang destinasyon.

Pagbaba pa lamang ng taxi ay nakita na agad nila ang mga kaibigan at katrabaho na kumakaway mula sa harap ng restaurant.

EXCITED si Yuan dahil alam niyang binili ni Gino ang gray na polo shirt sa shopping Village na pinuntahan nila kanina.

Nakangisi siya habang naghihintay sa mga ito na dumating. Naiinis man siya dahil kasama nito ang bwisit na lalaking nakabantay lagi dito pero hindi siya magpapatalo.

Balak niya ngayong gabi na magtapat ng nararamdaman para kay Gino. Mula nang pumasok ito sa kumpanya, tatlong taon nang nakakaraan ay nahulog na ang loob niya dito. Nung una ay hindi pa nita kayang tanggapin na sa isang lalaki lamang siya maiinlove habang napapalibutan at hinahabol siya ng maraming kababaihan.

Nang matanggap niya na mahal talaga niya si Gino ay natakot naman siyang aminin ito, panatag naman siya noon na makasama ito at makita sapagkat alam niyang walang pwedeng kumuha nito palayo sa kanya.

Hindi niya inaasahan na magbabago ang lahat ng dahil sa Cain na iyon na bigla na lamang sumulpot at balak agawin ang pinakamamahal niyang si Gino.

🌈MIRACLE BABY [BL/MPREG]Where stories live. Discover now