MB 36

1.2K 125 83
                                    

I hope you enjoy reading this chapter 💕

GINO'S POV

Napapangiti ako habang na-aalala ang nangyari noong nakaraang linggo. Hayys sa wakas na amin ko din sa aking sarili na tunay ko na ngang mahal si Cain.

Kung alam ko lamang na ganito kagaan sa kalooban ito ay matagal ko na sanang ginawa.

Hindi ko pansin na habang nagmumuni-muni ako ay may binabalak palang masama si Mars.

"KYAAHH!!" malakas at nakakahiya kong sigaw dahil sa panggugulat niya.

Napatakip ako ng mukha dahil sa hiyang aking nararamdaman habang nagtatawanan ang aking dalawang kaibigan ganun din ang ibang tao dito sa Cafe kung nasaan kami ngayon.

"Mars naman," inis na ani ko habang hinahampas siya sa braso.

"HAHAHA sorry na bhes, tulala ka kasi."

"Oo nga naman siz, ano bang iniisip mo at may pangiti-ngiti ka pa dyan?" tanong naman ni Jewel.

"W-Wala naman, wala akong iniisip," pagtanggi ko pa.

Napasilay ako sa ibang tao na narito sa Cafe, natatawa rin sila dahil sa pakulo ni Mars.

Bigla kasi niya akong kiniliti sa bewang kaya muntik na akong mahulog sa upuan ko.

'Hayss, bakit nagkaroon pa ako ng mga kaibigan ay mga baliw naman, dapat 'di ko na sila sinamahan dito eh.'

"Wala raw, baka naman naka-score ka kay fafa Cain kagabi?" sagot ulit ni Mars kaya lalong nagkatawanan sila.

Para namang umuusok na takore ang aking mukha dahil sa hiya. 'Mga luka talaga, hindi ba sila nahihiya sa sinasabi nila?'

"HAHA joke lang yun siz Gino ah, baka makaiyak ka dyan," saad pa ni Jewel sabay kurot sa pisngi ko.

Hindi ko pa na aawat ito ay sumali pa si Mars kaya naman namumula at masakit ang pisngi ko.

"Bahala kayo basta oorder na ako," nakalabi na turan ko pa sa kanila.

Napangiti na lamang ang dalawa at kinuha na rin ang menu na nakapatong sa tapat nila.

Habang napili ako ng ma-oorder ay napansin ko ang malungkot na ekspresyon sa mukha ni Jewel habang tahimik itong nakatingin sa kanyang hawak.

Siguro may problema o pinagdadaanan sya ngayon, itinatago lamang nya ito sa pamamagitan ng pagtawa at pagngiti.

Dahil hindi ako mapakali dahil sa aking iniisip ay nilakasan ko ang aking loob na tanungin siya.

Kaibigan ko si Jewel at lagi syang nandyan para sakin. Gusto ko naman na suklian iyon kahit sa maliit na bagay lamang.

"Ah Jewel, may prob--"

"Mga nag gagandahang madam, ano pong order n'yo?"

Napanguso ako dahil hindi ko naituloy ang sasabihin ko, bigla kasing sumingit si kuyang crew.

Habang nakikipag usap at harutan sina Jewel at Mars sa lalaki, pansin ko na bumabalik ang mga ngiti ni Jewel pero nandon pa rin ang kakaibang lungkot niya.

Ibinigay ko na rin ang order ko kaya umalis na ang lalaki.

"Siz Gino, may sasabihin ka ba?"

Napatingin muli ako sa kanya dahil sa bigla nitong pagsasalita.

"A-Ah, ano kasi---"

Gusto kong sampalin ang sarili ko dahil sa kabang nararamdaman. 'Magtatanong lang naman ako eh, bakit ba ako natatakot?'

🌈MIRACLE BABY [BL/MPREG]Where stories live. Discover now