MB 12

2K 126 15
                                    

SABADO ngayon at day-off namin ni Mars, mabuti na nga lamang dahil parehas ang araw ng day-off namin.

Dahil dito ay nagkakaroon kaming dalawa ng oras para makapag-bonding, isinasama n'ya ako lagi sa pagsho-shopping n'ya tapos nanunuod din kami ng movie at kakain sa fast food restaurant.

Nagising ako ng maaga para makapaglinis ng bahay bago ako magbihis para makapag-jogging.

Matapos kong maglinis ng bahay ay naghanda na ako para makapag exercise.

▼△▼△▼△▼△

NANDITO na nga kami ngayon sa pinakamalapit na park sa aking lugar, kapag day off ay nagjo-jogging ako at isinasama ko rin si Miggs para makalabas naman siya sa bahay.

Habang nakaupo ako at nagpapahinga ay napadpad na naman ang aking isipan sa isang katanungan na hanggang ngayon ay gumugulo sa saking isipan.

[ 'Bakit ba masyadong big deal para sakin kung sino ang lalaking iyon maliban sa pagtulong nya sa'kin?' ]

Yan din ang itinatanong ko sa aking sarili simula ng maganap ang pangyayaring iyon ilang linggo na rin ang nakalipas.

Hindi ko alam kung ilang beses ko nang sinabi sa aking sarili na baka panaginip lang ang lahat.

Pero ngayon ay alam kong hindi lamang iyon simpleng panaginip dahil sa ibedensyang nakita ko kaninang umaga lang.

Ngayon pwede ko ng sabihin na tunay nga na may lalaki sa baywalk, na nagtataglay ng malalim at gwapong boses at gumagamit ng Ambercrombie na pabango.

Dahil sobrang pagka-obsesse ko sa lalaking iyon ay hinanap ko ang uri ng pabango na gamit n'ya.

"May dalawa na akong suspected person. Una si Sir Yuan, meron syang ganung pabango, kilala ko rin sya at alam nya ang bahay ko. Pangalawa naman ay si Cain, gano'n din ang pabango nya, kaboses din nya ito pero wala syang alam sa personal kong mga impormasyon para maihatid ako sa aking bahay kung sakali na sya nga ang tumulong sakin," bulong ko pa sa aking sarili habang pinag-aaralan ang kaso na parang isang magaling na detective.

Nakaupo ako ngayon sa isang bench at masaya namang nagtatakbo si Miggs sa paligid habang kagat-kagat ang kanyang leash.

Habang nakaupo ako dito ay pilit kong iniisip at pinag-aaralan ang bawat sitwasyon.

'Dahil may dalawa na akong pinaghihinalaan ay mas mapapadali ang aking paghahanap sa lalaking iyon.' Napapatango pa ako dahil sa aking iniisip.

Pagdating kay Sir Yuan, siguro ay makakahanap ako ng pagkakataon para tanungin sya. Ang problema ko na lamang ay si Cain, hindi ko pa rin kasi sya nahahanap hanggang ngayon.

'Baka naman sa iba na syang lugar naghahanap ng kleyente bilang Callboy? Hayys di ko pa naman alam ang mga lugar na pinupuntahan ny-- T-Teka!! Ayaw ko man pero pwede akong bumalik sa lugar na pinagdalhan nya sa'kin noon. baka do'n ko sya makita?' napangiti ako ng matagumpay dahil sa aking naisip.

'Humanda ka sakin Mr. Callboy pag nahanap kita.'

Gusto ko nang tumawa ng malakas na parang baliw kaso maraming tao dito baka matakot pa sila.

Napatikhim na lamang ako at napangisi dahil unti-unti ko nang nareresolba ang kasong ito.

Feeling ko ako na si DETECTIVE GINO!!!

Habang nagdidiwang pa ako dahil sa brilliant ideas ko ay biglang may isang katanungan na pumasok sa aking utak.

"Kung iisipin ng mabuti, paano na-afford ni Cain na hamak na Callboy ang makabili ng ganung pabango eh mamahalin iyon?" bulong ko pa sa aking sarili.

🌈MIRACLE BABY [BL/MPREG]Where stories live. Discover now