MB 34

1.4K 137 104
                                    

I Hope you enjoy reading this chapter 💕

3RD PERSON'S POV

"Ginobabes, last hug?" anito habang hinihintay siyang lumapit sa bukas nitong mga braso.

"Eh, nakarami ka na kanina."

"Just a little bit," nagpapa-awa na naman ito sa kanya kaya wala na siyang nagawa kun'di yumakap ulit dito.

Mukhang hindi lamang siya ang hugging monster at sigurado siya sa bagay na iyon.

Pagkatapos ng walang kamatayang last hug ni Cain ay nagpaalam na sila kay Miggs at saka isinara ang pinto ng bahay. 

Gusto sana nyang ipakilala si Cain sa mga bagong kapitbahay pero napansin nyang walang tao sa bahay ng mga ito.

'Sayang naman, nagbakasyon ata ang mag asawang sina Hellix at Zero,' isip-isip pa niya ng makalampas sila sa pinto ng unit ng mga ito.

Matapos ng ilang minutong paglalakad ay nakarating na sila sa kanto at mapalad si Gino sapagkat may dumaan kaagad na Taxi.

Pinara niya ito at sumakay, nang isasara na sana nya ang pinto ng taxi ay pinigil ito ni Cain at sumakay din. Sumenyas pa ito sa driver na magmaneho na.

Nagtataka na tumingin siya dito at saka napatanong.

"Bakit sumakay ka rin?"

"I just want to send you to your work."

Tiningnan na lang niya ito ng may pagtataka at hinayaan na lamang sa gusto nito. Masaya rin naman syang makasama ito.

Simula nung isang araw na napag usapan nila Mars ang tungkol sa tunay na namamagitan sa kanila ni Cain ay hindi na ito maalis sa kanyang isipan.

'Mahal mo na si Fafa Cain di ba kaya nga hinayaan mo syang tumira kasama ka sa iisang bahay.'

"Aishh," napailing sya dahil sa mga bagay na tumatakbo sa kanyang isipan. 'Sina Mars at Jewel ang may gawa nito eh, kung ano-ano kasi ang sinasabi nila.'

Nag iinit ang kanyang pisngi, patuloy ang malakas at mabilis na tibok ng kanyang puso dahil sa hiyang nararamdaman. Isama mo pa na magkalapit at magkadikit ang mga katawan nila sa loob ng maliit na taxi na ito.

Ang munting aircon na ibinibigay ng taxi ay di kayang ibsan ang nararamdaman niya ngayon.

'Dapat talaga di ako nakikinig sa dalawang yun.'

"-----babes."

"Ginobabes!"

Dahil sa lalim ng kanyang iniisip ay di nya napansin ang pagtawag ni Cain sa kanya.

"H-Ha? Ano yun?" gulat na tanong niya dito.

"Are you okay? Namumula ka, nilalagnat ka ba?" anito na bakas sa boses ang pag aalala.

Hinawakan nito ang kanyang noo at hinaplos ang pisngi na lalong nagpa init sa kanyang mukha.

"A-Ayos lang ako, wala akong lagnat," nahihiya niyang sagot sabay iwas sa paghawak nito sa kanya.

Yung echoserang driver naman ay napapatingin lang sa kanilang dalawa habang nakangisi kaya lalo syang nahiya at humarap na lamang sa bintana para pagmasadan ang kalsadang dinadaanan nila.

Ilang sandali pa ay nakarating din sila sa harap ng kumpanya, nagbayad sila bago bumaba.

"Cain, papasok na ako," aalis na sana siya pagkatapos magpapaalam dito nang bigla siyang pigilan nito.

"Wait, susunduin ulit kita mamaya kaya hintayin mo ako," saad pa nito at hinila siya para sa isang mainit na yakap.

Nahihiyang sinagot na lamang nya ito ng isang tango bago nagpatuloy sa paglalakad papasok sa building ng kumpanya.

🌈MIRACLE BABY [BL/MPREG]Where stories live. Discover now