MB 48

1K 146 48
                                    

I hope you enjoy reading this chapter 💕

3RD PERSON'S POV

[

"Kahit ano namang mangyari, ikaw pa rin ang daddy ni baby-----"]

Nawala ang ngiti sa labi ni Cain matapos marinig ang mga katagang iyon mula kay Gino.

Napayuko na siya sa lungkot at pagkadismaya akala niya ay sapat na ang lahat ng kanyang ginawa pero mukhang kulang pa rin.

Tatalikod na sana siya paalis ng marinig muli ang boses ni Gino.

"---kaya, Oo tinatanggap na kita Cain. Iniwan mo man kami noon, alam ko namang may rason sa ginawa mong iyon."

Nanlaki ang kanyang mata sa gulat at mabilis na napatingin kay Gino.

"T-Tinanggap mo na ako Ginobabes?" masaya at hindi makapaniwalang tanong niya dito.

"Oo naman, sorry din dahil hindi agad kita binigyan ng pagkakataon na magpaliwan--"

Halos hindi na pumapasok sa kanyang tenga ang mga sinasabi nito ay bagay na tumatakbo sa kanyang isipan ay kung gaano siya kasaya ngayon.

"YES!!! WOAHH THANK YOU!"

GULAT na napatingin si Gino kay Cain dahil biglang pagsigaw nito. Puno ng saya at galak ang gwapo nitong mukha. Hindi pa ito nakuntento sa pagsigaw, mamaya ay nagtatalon na ito na para bang na nanalo sa liga ng basketball.

Napatakip na lamang siya sa kanyang bibig para itago ang ngiti at mahihinang tawa.

'Nasobrahan ata sa ulan si Cain, pinasok na nang lamig ang utak nito.' isip - isip pa niya habang pinapanuod parin ang munting pagdidiwang nito.

Maya-maya pa ay nanlaki ang kanyang mata ng Biglang bumaling ito sa kanya at mabilis na lumapit. Hinawakan nito ang magkabila niyang braso habang nakangiti ng malapad.

"C-Cain ---"

CHUPPP!!!

Hindi na niya naituloy ang mga sasabihin ng paulanan siya nito ng mga halik sa buong mukha. Sa noo, ilong, pisngi at labi. Dahil sa ginagawa nito ay hindi niya napigilang mapatawa, nakikiliti kasi siya sa masusuyong halik na iginagawad nito sa kanya.

Sa mga halik na ito ay ramdam na ramdam niya ang saya at pasasalamat nito sa kanya.

"T-Teka, haha Cain, tama na!" tumatawang pag pigil pa niya dito.

Hindi naman nakinig ito sa kanya at pati sa mga kamay at braso na ginagamit niyang pangsangga ay umabot na ang mga halik nito.

Napapikit na lamang siya dahil sa kakulitan nito, ilang sandali pa ang lumipas at nararamdaman niyang sa wakas ay tumigil na rin ang ginagawa nito.

Napamulat siya ng mata kasabay naman noon ang paghalik nito sa kanyang labi, akala niya ay magsisimula na naman ito pero hindi niya inaasahang bibigyan siya nito ng seryosong tingin.

Nakatitig lamang ito sa kanya na para bang humahanga na pagmasdan ang bawat sulok ng kanyang mukha.

Ang malambot at masaya nitong ekspresyon ay nagbigay ng kakaibang init sa kanyang dibdib. Ang makasama ang lalaking ito ay parang isang impossibleng hiling lamang kaya naman hindi pa rin lubusang napoproseso ng kanyang utak ang katotohanang nagbalik na si Cain sa kanila ng baby nila.

Dahil sa malalim na pag iisip habang nakatitig sa gwapo ng mukha at kahanga hangang mga mata nito ay hindi niya napaghandaan ang sunod na salitang namutawi sa labi nito.

🌈MIRACLE BABY [BL/MPREG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon