MB 3

3.4K 193 30
                                    

I hope you enjoy reading this chapter 💕





"Miggs!! namiss mo ba ako boy?", masayang sigaw ko pa ng mabuksan ko ang pinto ng bahay at masigla namang sumalubong sakin si Miggs.

Pumasok na ako sa loob ng bahay habang nakasunod lamang ito sakin, katulad ng lagi kong ginagawa pag uwi. Nagbibihis ako ng pangbahay na damit bago magluto ng hapunan.

Nagtungo na ako sa maliit na kusina dito sa aking apartment para magluto ng aking hapunan.

Naisipan kong magluto ng pancit canton at pritong itlog na lamang para sa aking ulam at nagsalang na rin ako ng bigas sa rice cooker.

"Come here my stress reliever", natatawa ko pang sabi kay Miggs habang nakaupo ako silya at hinihintay na kumulo ang tubig para sa pancit canton.

Masayang masaya naman itong lumapit sakin habang gumagalaw ng pabalik-balik ang  buntot nito.

Habang hinihaplos ko ang ulo nya at ang malambot nitong malahibo ay bigla kong naalala ang nangyari sa opisina.

Dahil marami pang mga bagay ang gumugulo sa aking isipan ay nagawa kong tanggihan ang alok na dinner ni Sir Yuan kanina.

Hindi naman sa pag aassume dahil di naman ako sure kung date nga ba ang gusto ni Sir pero pakiramdam ko ay may pumipigil sa akin na kung ano.

Kung siguro kaharap ko si Mars ngayon, sigurado akong nabatukan na nya ako dahil pagkakataon ko na ito para magkalovelife, pero nang ma-amoy ko ang pabango nya kanina. Bumalik sa saking isipan ang aking panaginip kung saan ay napadpad ako sa baywalk at may tumulong sa aking lalaki.

'Sya kaya ang lalaking yun?', Naguguluhang tanong ko pa sa aking isipan.

Medyo malungkot ang mukha ni Sir nung tinanggihan ko sya pero tinakpan na lamang nya iyon ng isang ngiti saka nagpaalam sakin, medyo nakaramdam ako ng guilt pero hindi ako confident para magkaroon ng relasyon sa ngayon.

Napabuntong hininga na lamang ako at nang mapansin na mainit na ang tubig ay nagsimula na akong magluto.

-------------------------------

Kinabukasan, nagising ako na masaya dahil masarap ang naging tulog ko.

Nakangiti akong bumangon, hindi lang mood ko ang maganda sa araw na ito pati na rin ang panahon.

Nagtungo na ako sa banyo para maligo, may trabaho pa ako sa araw na ito kaya kailangan kong magsipag.

Kahit sabihin na wala akong pamilya dahil maagang namatay ang aking mga magulang at napunta ako sa aking mga kamag anak, ay pina-aral pa rin nila ako kahit medyo strikto sila.

Pagkatapos makagraduate ng highschool sa tulong nila ay nagtrabaho na ako para mapa aral ang sarili ko sa kolehiyo.

Masayang masaya ako dahil pagkatapos ng apat na taong paghihirap sa part time job at pag-aaral ng sabay ay sa wakas nagkahanap na ako ng maayos na trabaho sa isang kumpanya.

Tinanggap nila ako kahit fresh grad. ako at wala pang experience, kahit mahirap ang araw araw na pagtatrabaho ay na nanatili pa rin akong masaya dahil doon ko na kilala ang isang taong tinuturing kong pamilya ngayon.

Syempre si Mars iyon at  pagkalipas din ng ilang taon ay nakaipon na ako para makabili ng maliit na apartment.

Pagkaligo ay nagbihis na ako ng formal attaire ko at saka nagtungo sa kusina para magluto at kumain.

Habang kumakain ako ay ganun din naman si Miggs sa ilalim ng mesa.
.
.
.
.
"Arff arff!"

"Bye din, Miggs", pagpapaalam ko pa sa kanya sabay sara ng pintuan ng bahay.

🌈MIRACLE BABY [BL/MPREG]Where stories live. Discover now