MB 30

1.7K 149 77
                                    

I hope you enjoy reading this chapter 💕


3RD PERSON'S POV

[Bhes Gino?]

Biglang na-estatwa si Gino sa kanyang kinatatayuan nang marinig ang boses na iyon. Umalis naman sa pagkakayakap sa kanya si Cain para makaharap siya sa taong pinanggalingan ng boses.

Pagharap niya ay sinalubong siya ng nakataas na kilay ni Mars. "H-Hello Mars, a-anong ginagawa mo dito?"

"Ako dapat ang nagtatanong nyan bhes, akala ko ba busy ka? Hmm, mukhang may pinagkakaabalahan ka nga."

Napalunok siya ng wala sa oras dahil sa sinabi nito.

Si Mars naman ay parang na-stroke nang mapagawi ang tingin sa kanyang tabi.

Ang bibig nito ay napanganga at napangiwi siya ng makita ang mga mata nito ay parang nagpupuso-puso sa paghanga sa lalaking kanyang kasama.

"Uyy Mars! Okay ka lang?" pagkaway pa niya sa harap ng mukha nito.

"A-Ah, oo naman bhes," sagot nito sabay pahid sa ibaba ng labi nito na parang naglaway.

Itinikom ni Gino ang kanyang labi para maiwasang mapatawa dahil sa reaksyon ng kanyang kaibigan.

Humarap ito sa kanya na parang walang nangyari at nagawa pang magbiro. "Hindi mo manlang ba ako ipapakilala sa kasama mo?" nakangisi pang tanong nito.

Napatingin naman siya kay Cain na tahimik lamang sa kanyang tabi, ang mukha nito ay blanko at walang nababakas na emosyon.

Hindi nya mapigilang mapabuntong hininga dahil sa ipinapakitang ekspresyon ni Cain. 'Mukhang wala talaga itong interes pagdating sa ibang tao.'

"Oo naman Mars. Ah Cain, siya nga pala si Mars yung lagi ko sayong kinukwento na kaibigan ko sa trabaho." Nakatingin siya kay Cain sabay turo kay Mars.

Tumango naman ito pero hindi ngumiti o nagpakita ng kahit kaunting emosyon sa mukha.

NAPATINGIN naman si Mars dito ng wala sa oras dahil sa pagtataka, hindi niya alam kung masaya ba itong makilala sya o wala lang talagang interes sa beauty niya.

Dumako naman ang mata niya sa kaibigang si Gino na parang sanay na sa ganitong ugali ng kasama.

Napailing na lamang siya dahil sa mga tinginan na napapansin nya sa pagitan ng dalawa, halatang may nararamdaman ang mga ito para sa isa't isa, hindi pa nga lamang siguro alam ng dalawa iyon.

NAGPATULOY ang pagpapakilala ni Gino kay Mars at Cain. Napapasilay na lamang siya kay Mars na may paghingi ng tawad dahil sa ugali ng kasamang si Cain.

Hindi manlang kasi ito makakitaan ng pagkagusto sa mga nangyayari, nagsasalita at bumabati ito pero ang mukha at boses nito ay blangko ng emosyon.

"Ah Fafa Cain, pwede bang hiramin ko muna si bhes Gino?"

"Sure, but don't go too far," seryosong sagot nito sa kanyang kaibigan.

Hinigit siya ni Mars sa 'di kalayuan sapat lang para 'di marinig ni Cain ang kanilang pinag uusapan.

"Bakit tayo lumayo, Mars?"

"So, siya pala si Mr. Callboy ha, super gwapo pala naman kaya kinababaliwan mo," natatawa at may halong pang-aasar na sambit nito sa kanya.

"H-Ha? Naku Mars mahiya ka nga dyan sa mga sinasabi mo," aniya sabay iwas sa pagtusok nito sa kanyang tagiliran.

"Haha joke lang bhes pero alam mo... Hindi pang callboy ang aura at datingan nyang si Fafa Cain, parang may something sa kanya na 'di ko gusto."

"Anong ibigsabihin mo?" naguguluhang tanong niya sa kaibigan.

🌈MIRACLE BABY [BL/MPREG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon