MB 26

1.5K 148 32
                                    

I hope you enjoy reading this Chapter 💕

3RD PERSON'S POV

DAHIL naging masaya si Gino sa buong maghapon na magkasama sila ni Cain at inaalagaan siya nito ay nakalimutan na niyang tawagan si Mars kung bakit siya absent.

'Hm, siguro sasabihin ko na lang bukas pagpasok ko sa office,' isip-isip pa niya habang nag aayos ng matutulugan ni Cain.

Ilang beses niyang sinabi na okay na ang pakiramdam niya at pwede na siyang iwan nito pero dahil makulit at matigas ang ulo nito ay hindi talaga nakikinig sa kanya.

Baka raw may mangyaring masama sa kanya lalo na at kapapangyari lamang ng kidnapping sa kanya, baka balikan siya ng mga taong gumawa noon sa kanya.

Wala pa naman siyang balita kung nahuli ba ang kambal mula sa raid na naganap noong gabing iniligtas siya ni Cain.

Naiintindihan naman niya na nag aalala lamang ito kaya hinayaan na lamang niya.

Kasya man sila sa kanyang kama pero hindi siya kumportable kung magtatabi sila kaya ipinaglalatag niya ito ng banig at kutson sa baba ng kanyang kama.

Habang nag lalagay ng unan sa higaan ni Cain ay kasama niya si Miggs na naglalaro naman sa kanyang tabi.

Dahil abala sya sa ginagawa ay hindi nya agad napansin na nakatayo na pala sa may pinto si Cain, napansin lamang nya ng tumahol at tumakbo si Miggs papunta sa kinalalagyan nito.

Nang makita nya ito ay mabilis nyang naiiwas ang tingin, nakatapis lamang kasi ito ng puti nyang twalya sa ibabang parte ng katawan nito para takpan ang dapat takpan doon.

Basa pa ang buhok at may ilang butil ng tubig na kumikintab at tumutulo mula sa matipuno at maputing katawan nito.

Kitang kita ang laki ng dibdib at dami ng abs na meron ito ngayon, isama pa ang gwapong ngisi na nakapaskil sa mukha nito.

Kinailangan pa ni Gino na takpan ang nag iinit nyang pisngi dahil sa nasaksihang kamangha-manghamg itsura ni Cain.

"A-Ano pa bang itinatayo mo dyan, m-magbihis ka na!" inis na sabi pa nya dito habang nakayuko.

Hindi nya talaga kayang tingnan ito dahil na aalala na naman nya ang mga eksenang naganap sa kanilang pagitan.

'Kung pwede lang akong magka-amnesia ay gugustuhin ko na makalimutan lang ang mga nakakahiyang tagpo sa aming pagitan,' isip-isip pa ni Gino habang napapailing.

Dahil nalunod na sya sa pag iisip at akala nya ay wala na si Cain at nagbibihis na ay nagkalakas na sya ng loob na humarap sa dereksyon ito. Hindi nya inaasahan na naroon pa rin ito at kalaro si Miggs.

"CAIN, MAGBIHIIS KA N--"

"I want to, but I don't have any clean clothes here."

Napanganga naman sya ng mapagtanto ang sinabi nito.

'Hala, Oo nga anong ipapasuot ko sa kanya eh halos dalawang doble ko ang katawan nya.'

Napakamot sya sa ulo at nagsimulang magkalkal sa kanyang cabinet. Naghahanap sya ng pinakamalaking tshirt na meron sya.

Ilang minuto na ang nakalipas pero bigo pa rin sya, may nakita syang basketball shorts na kasya dito pero brief at damit ay wala.

Malungkot na lumingon sya sa kinalalagyan nito na nakaupo na sa kanyang kama.

"Cain," pagtawag pa nya sa pangalan nito. Mabilis naman itong tumingin sa kanya.

"What's wrong?"

"Sorry pero short lang kasi ang nahanap ko," nakalabi pa niyang ani dito.

🌈MIRACLE BABY [BL/MPREG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon