MB 50

1.5K 161 99
                                    

I hope you enjoy reading this chapter 💕

3RD PERSON'S POV

NASA apartment na sina Gino at Cain ngayon. Nakasimangot si Gino habang nag eempake ng lahat ng kanyang mga gamit. Pinagtalunan pa nila ni Cain ang tungkol sa paglipat ng bahay. Ayaw kasi talaga niyang umalis sa apartment na ito pero naisip din naman niya na nagsakripisyo din naman si Cain noon sa pagtira sa kanyang bahay ng ilang buwan.

'Hays, kahit ayaw ko ay kailangan nang iwan ang apartment na ito,' nalulungkot na saad niya sa isipan habang tinitingnan ang bawat sulok ng kanyang kwarto.

Napakahalaga ng lugar na ito sa kanya, ito lang naman ang nakasama nila ni  Miggs sa panahon na mag isa sila. Ito din ang naging saksi sa pag iibigan nila ni Cain. Sa maliit na apartment na ito ay naganap ang mga di malilimutan niyang pangyayari.

Imbis na ipagpatuloy ang mga nakakalungkot na isipin ay minabuti na lamang niyang bilisan ang pag aayos ng mga gamit. Hindi naman niya lahat ito dadalhin, karamihan ay mga personal na gamit, damit, mga collection niya ng Iron man merch at kung ano ano lang ang bibitbitin niya patungo sa penthouse ni Cain.

Habang nagkakalkal sa cabinet ay may isang bagay na nahulog mula dito. Mabilis niya itong dinampot at masayang niyakap. 'Muntik na kitang maiwan ah.'

Nang tingnan niya ang hawak na panyo ay naalala niya ang mga pangyayari sa baywalk. Hanggang ngayon ay di pa rin niya kilala ang may ari ng bagay na ito at ang misterysong lalaking tumulong sa kanya. Habang hinahaplos niya ang panyo ay bigla itong nahulog sa sahig. Dadamputin na sana niya ito ng manlaki ang kanyang mga mata nang mapansin ang pangalang nakaburda sa gilid nito.

'S-Sinclair?'

'T-Teka, di ba apelyido yun ni---"

" Ginobabes, are we ready to go?"

Nagmamadali niyang dinampot ang panyo at naglakad patungo kay Cain. Ang malakas na kabog ng kanyang puso at pangangatal ng kanyang mga kamay ay sanhi lamang ng kabang kanyang nararamdaman.

"Hey, are you okay?" nag aalala pa nitong saad sa kanya.

Imbis na sumagot ay lalo siyang naguluhan. 'Yan din ang eksaktong sinabi sakin ng lalaking iyon sa baywalk noon.'

Hinawakan nito ang pisngi niya para alamin kung ayos lamang ang kanyang pakiramdam, namumutla kasi siya at di mapakali. Maya-maya nang makahugot na siya ng lakas ng loob ay nagawa na niyang ipakita kay Cain ang hawak na panyo.

"C-Cain, iyo ba ang panyong ito?" wala namang mababakas na pagkagulat sa mukha nito at kalmadong sinagot ang kanyang katanungan.

"Yes, that's mine."

"Ibigsabihin ay kilala mo na ako noon pa, bakit di mo sinabi sakin. Bakit mo sakin itinago ito?" inis at naluluha niyang turan dito. Hindi naman sa pagiging emosyonal pero natatandaan niya lahat ng hirap at effort sa paghahanap sa lalaking yun, tapos all this time ay kasama lang pala niya ito.

Napabuntong hininga naman ito ay inalalayan siya na makaupo muna sa kama. Tumabi ito sa kanya at at saka isinalaysay ang lahat.

ISANG normal na gabi iyon para kay  Cain, mula nang magpunta sila sa bansang ito ay inatupag na niya ang paghahanda sa magiging transaksyon kay Mr. Ivanovich.

🌈MIRACLE BABY [BL/MPREG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon