MB 52

358 22 1
                                    


3RD PERSON'S POV

"Ginobabes, you should sleep."

"Ayoko, gusto ko makita ang mga ulap pagnaandar na tong jet mo," makulit na saad naman niya kay Cain.

"It's up to you, pero baka mamaya ay sumama ang pakiramdam mo. Masakit sa ulo ang jetlag," paalala pa nito.

Napanguso na lamang siya dahil tunay ang pahayag nito at dahil ayaw niyang sumama ang pakiramdam at ma-enjoy ang florida ay unti-unting ipinikit na niya ang mga mata.

Bago makatulog ay naalala pa niya ang mga pangyayari ilang araw na ang nakakaraan.

MATAPOS ang date nila sa buffet dalawang araw na ang nakakalipas ay sinulit niya ang mga panahon na wala sa trabaho si Cain. Masaya na si Gino sapagkat kasama na niya ito mula umaga hanggang gabi.

Medyo kontrolado na rin niya ang emosyon dahil ayaw na niyang maging pasaway at laging pag alahanin pa ang mga kasama.

Kontento na siya sa katunayang kasama niya si Cain ngayon, pero hindi niya alam na may iba pala itong binabalak. Bago umuwi galing france ay nabalitaan na nito na may magaganap na supercon sa florida.

Dahil pangarap niyang makilala at makita ang cast ng paborito niyang movie ay naisipan nito na bumili ng entrance tickets sa magaganap na convention.

Nang marinig niya ang balita nito ay sabik na sabik siya para makadalo roon. May sarili namang jet si Cain kaya wala silang problema sa transportasyon. Isa g araw lamang ang pinagtatagal nila doon sapagkat may iba pa daw silang pupuntahan ayon kay Cain.

HAPON na ng magising siya sa loob ng hotel habang nakahiga sa malaki at malambot na kama. Mabuti na lamang at sinunod niya ang advice ni Cain kundi ay siguradong nahihilo na sya ngayon.

Dahan-dahan siyang umupo at kinusot ang mata para mapagmasdan ng maayos ang buong lugar. Malaki, maliwanag at napaka-ganda ng kwartong ito.

'Mukhang hindi na ako ginising ni Cain sa byahe,' isip isip-isip pa niya habang nag iinat.

Tatayo na sana siya ng biglang bumukas ang pinto ng Cr. Bagong ligo, mabango at basang si Cain ang lumabas mula doon.

Nakatapis lamang ito ng twalya sa ibabang parte habang nagpupunas ng basang buhok. Siguro dahil sa mga araw na hindi niya ito nakasama ay may nararamdaman pa rin siyang pangungulila dito. Ang makita itong muli sa ngayon ay nagbibigay sa kanya ng kakaibang pakiramdam.

Dahil sa pagtitig niya ay bigla itong napangisi. Namula naman ang kanyang mukha sa hiya at napaiwas ng tingin.

Dahan-dahan itong naglakad palapit sa kanya. Habang lumalapit naman ito ay hindi niya alam ang gagawin. Kinakabahan na may halong pagkasabik.

'Ano bang nangyayari sakin? Dahil ba sa lugar o kaya dahil mula ng mabuntis ako ay hindi na kami nakakapag lambingan kaya ganito ang pakiramdam ko,' saad pa niya sa isipan nang mapansin na nasa harap na niya ito.

"Ginobabes," Malambing na bulong nito na nakapagdala ng mumunting kilig sa kanyang katawan lalo na nang makaramdam niya ang mainit na hininga nito sa kanyang leeg.

Maya-maya pa ay naglakbay na ang mga kamay nito sa kanyang likod at bewang. Ang malambot ang mainit na labi naman nito ay patuloy sa paghalik sa kanyang leeg.

Dahil sa sensasyong nararamdaman ay hindi niya mapigilang mapa-ungol habang tinatawag ang pangalan nito.

"Hmnn, C-Cain," bulong pa niya habang nakayakap ng mahigpit sa leeg nito.

Inihiga siya nito ng dahan-dahan sa kama at pumatong sa kanya. Nahihiya man pero gusto niya ang bagay na ito.

Nanatili silang nakatitig sa isa't isa hanggang sa naglapat na ang kanilang mga labi. Nagsimula ito sa mabagal at masuyong halik hanggang sa naging mainit at senswal na ito.

🌈MIRACLE BABY [BL/MPREG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon