MB 16

1.7K 122 14
                                    


THIRD PERSON'S POV

NAGLALAKAD si Hellix sa mahabang hallway patungo sa condo unit ng kanyang boss.

Hanggang ngayon ay napapaisip pa rin sya kung bakit ayaw nitong tumuloy sa pent house na pagmamay ari nito.

Malaki at maganda ang bahay na binili nito ilang taon ng nakakalipas ng huli silang bumalik dito sa pilipinas para sa din sa isang transaction.

Mula ng makarating sila dito sa bansa mag-iisang buwan ng nakalipas ay hindi manlang ginusto na pumunta doon ang kanilang boss.

Ang pent house na iyon ay tago ang kinalalagyan sapagkat ang rason nito ay para sa kaligtasan nila habang sinasagawa ang ilegal nilang business dito sa bansa.

Syempre higit sa lahat ay para iyon sa boss nila pero ayaw naman nitong manatili doon. Tumutuloy ito ngayon sa isang kilala at mamahaling condo sa Makati.

'Hindi ko din naman masisisi si Boss, maganda at safe din naman sa Condo na ito,' isip isi pa nya habang kinikilatis ang lugar na dinadaanan.

Bawat kanto ay may makikitang CCTV at iba pang safety measures tulad ng fire exit at fire extinguish--.

'Bakit ba puro tungkol sa sunog at apoy, hindi na tatalaban nyan si Boss. Matagal nang sinusunog sa impyerno ang kaluluwa nun', napapailing na sabi pa nya sa kanyang isipan.

Bukod pa doon ay hindi lang naman ilegal lahat ng business ng boss nila, meron din itong mga legal na kumpanya at iba pang negosyo.

'Ano bang ikinakatakot ko, eh wala namang nakakaalam na may underground business si Boss,' napapatango pa nyang sabi sa kanyang sarili.

Bilyonaryo si Mr. Sinclair, mayaman at makapangyarihan. Kaya nitong paikutin lahat gamit ang pera nito.

Sigurado syang walang kakanti na kumalaban dito. Nagpatuloy sya sa paglalakad at napatigil sa tapat ng isang pinto.

"Dito na ba iyon?" tanong pa nya sa kanilang intel na si Zero mula sa ear piece na nakalagay sa kanyang tenga.

"Yeah, thats the room of Mr. Sinclair."

"Thanks Hon," mapang asar na pagpapasalamat pa nya dito kaya napangisi na lamang sya ng marinig ang sunod-sunod na mura mula dito.

"Fuck you, Hellix," inis na sabi pa nito at nawala na ang static na nagmumula sa kanyang suot na ear piece.

Napatawa na lamang sya dahil na-bad trip na naman nya ang kasamahan saka kumatok sa pinto.

Wala syang narinig na kahit anong kilos sa loob kaya kumatok ulit sya dito.

Makalipas ang ilang minuto ay wala pa ring nagbubukas kaya inilapat nya ang kanyang tenga sa pinto para pakinggan kung may nangyayari ba sa loob ng kwarto.

Medyo kinakabahan na sya dahil baka may nangyari na sa boss nila. Dahil sa pangamba ay napahawak sya sa baril na nakasukbit sa kanyang likod.

Ngayong hapon na ito ay magaganap ang unang transaction kaya dapat ay naghahanda na ang boss nya para dito.

Mukhang wala namang kaguluhan na nagaganap sa loob kaya baka may ginagawa lamang ito.

'Baka naman busy si Boss, siguradong may babae na naman iyong dinala dito sa kwarto nya,' isip-isip pa nya habang nakadikit parin sya sa pinto na parang baliw.

Dahil sa malalim at kung ano anong iniisip nya ay hindi nya narinig ang yabag ng paa na palapit sa pinto.

"Ahh!" gulat na sigaw pa ni Hellix ng mapasalampak sya sa sahig dahil sa biglang pagbukas nito.

🌈MIRACLE BABY [BL/MPREG]Onde histórias criam vida. Descubra agora