MB 4

2.4K 148 22
                                    

["At sino naman ang magkakagusto sa Boring na yan?, baka gusto nyo namang i-share sakin"]


Napakunot ang noo ko ng marinig ang malanding boses ni Elvin.

"Wala ka na dun Elvin, kaya please hayaan mo na kaming makapaglunch ng maayos", mataray namang sagot ni Mars dito.

"Hmm, sure Mars, wag ko lang malalaman na nilalandi nyang munti mong kaibigan si Sir Yuan, kasi lalo kong gagawing empyerno ang buhay nya", pagbabanta pa nito kay Mars na parang wala ako sa harap nito.

"Wag kang mag-alala, hindi naman MALANDI ang kaibigan ko, di tulad ng iba dyan", nakangiti pero bakas ang inis sa boses nang sumagot ito.

Ngumiti naman si Elvin na halatang plastik bago umalis sa harap ng aming table.

"Aishh, Ang KAPAL bhes, Ang lakas ng loob bakuran si Sir eh hindi naman nya jowa", hindi makapaniwalang turan pa nito ng makaalis na si Elvin.

"Wag na lang nating pansinin Mars, kumain na tayo mamaya pa ay tapos na ang lunch break natin ay hindi pa tayo tapos kumain" sabi ko naman dito saka ipinagpatuloy na lamang ang pagkain.

"Nagbanta pa talaga, Naku naku, ang sarap kalbuhin ng babaeng yun, Aishh magsama sila ng kakambal nyang feeling gwapo, mukha namang ninja turtle", inis na sabi pa nito bago sumubo ng pagkain.

Napatawa na lamang ako dahil sa sinabi nito. Alam ng lahat na may gusto si Elvin kay Sir Yuan pero wala syang karapatan na magalit sakin dahil kung sakali ay wala akong inaagaw sa kanya dahil simula't sapul ay wala silang relasyon.

Matapos maglunch ay nagsimula na ulit ang aming oras para magtrabaho, busy si Mars sa ginagawa nya habang ako naman ay ganun din.

'5:25 pm na pala, malapit na kaming mag-out, 6:00 pm ang out namin eh, isip-isip ko pa habang nakatingin sa oras na nasa aking computer.

Bigla naman akong naramdam ng uhaw kaya tumayo muna ako para pumunta sa water dispender habang dala ang aking tumbler na walang laman.

"Bhes Gino, san ka?", napalingon naman muli ako dahil sa pagtawag ni Mars.

"Kukuha lang ng tubig Mars", sagot ko naman dito, nagliwanag naman ang mga mata nito at mabilis kinuha ang tumbler sa kanyang table.

"hihi please, kuha mo din ako", nagpapakyut na sabi pa nito sabay abot ng tatagyan ng tubig nya sakin.

Napailing naman ako at tinanggap ang inaabot nya. Masaya naman itong nagpasalamat sakin at may flying kiss pa.

Napatawa na lang ako at saka naglakad na papunta sa labas ng work station kung nasaan ang water dispenser at bench kung gusto mong magpahinga.

Nang mapuno ko na ang tumbler ko ay uminom na rin ako saka ko nilagyan ang tumbler ni Mars, paalis na sana ako ng bigla akong napasigaw dahil may humigit sa buhok ko pabalik.

"Aray!, ano ba", galit na sabi ko pa dito at humarap sabay tulak sa taong may hawak sa aking buhok.

Napaatras naman sya dahil sa aking ginawa at tiningnan ako ng masama.

"Malanding Bakla", galit na sabi pa ni Elvin sakin.

"Ang kapal din naman ng mukha mong bakla ka na ipagkalat na may gusto sayo ni Sir, Naku malaman-laman ko lang talaga na nilalandi mo sya, hindi lanh sabunot ang gagawin ko sayo!", gigil na sabi pa nito sakin.

Napangiwi pa ako dahil sa  mahigpit na pagkakahawak nya sa braso ko. Pakiramdam ko din ay bumabaon ang matitilos nitong kuko sa aking balat.

"H-Hindi ko alam ang sinasabi mo", nasasaktang sagot ko naman dito at pilit na inaalis ang kamay nya sakin.

🌈MIRACLE BABY [BL/MPREG]Where stories live. Discover now