MB 11

1.8K 127 11
                                    

Pagkatapos kong sabihin iyon ay sumilay ang magandang ngiti sa mga labi ni sir.

'Gwapo talaga ni sir'

"Thank you," sabi pa niya.

Napuno ng pagtataka ang aking mukha dahil sa pagpapasalamat nya.

"H-Hindi nyo po kailan--"

"We're here."

Biglang sabi pa nito kaya napatigil ako sa aking sinasabi at napansin na nasa parking lot na ulit kami ng kumpanya.

'Ang bilis ah, kaskaserong driver ata itong si sir Yuan?' isip-isip ko pa pero bigla ko ding naisip na malapit nga lang pala ang Mcdo na pinuntahan namin.

Kaya nagpasya na lamang akong
bumaba ng sasakyan at magpasalamat bago pa ako mainlove sa kanya este sa kotse pala, sobrang ganda at astig kasi nito.

Hindi ko inaasahan na habang nasa ganun kaming sitwasyon ay tanaw pala ni Mars ang lahat ng nangyayari.

Kaya mula kanina hanggang ngayon ay inaasar pa rin nya ako.

"Ayieee!!! Ikaw ha. hindi mo manlang sinabi sakin na nagde-date na pala kayo ni Sir Yuan," pangungulit pa nito habang nasa loob kami ng elevator.

"Mars, hindi nga kami ng de-date ni sir," sabi ko pa dito habang napapailing. Ang kulit kasi sobra ng isang to.

"Anong hindi, eh kitang kita ko na galing ka sa loob ng kotse nya, kumain kayo ulit sa labas?"

Napahinga naman ako ng malalim bago sabihin sa kanya ang nangyari at nadulas pa ako ng masabi ko ang tungkol sa paghahatid ni sir sakin kagabi.

"Wow at hinahatid ka na ah, pagkatapos ng lunch nyo sa mamahaling italian resto, ngayon naman ay hinahatid ka na. Sa tunay nangliligaw na ba yang si sir sayo?" tanong pa nito habang nakataas ang isang kilay sa'kin.

"Mahabang kwento Mars kaya ako napapayag sa paghahatid ni sir sakin kahapon. Pero dahil nga sa mga ginagawa nya ay tinanong ko sya sa tunay nyang rason kung bakit ganito ang trato nya sakin at ang sagot lang nya sakin ay "No apparent reason" yun lang," mahabang pagpapaliwanag ko naman sa kanya.

"What? Ano ba yan, di ko akalain na may pagkatorpe pala yang si sir, kahit ata bulag ay makikita na may gusto sya sayo," di makapaniwalang sabi pa nita kaya napailing na lamang ako.

"Wag nating ipilit kung wala talaga Mars," sagot ko pa dito habang nagkakalakad palabas sa elevator.

Nagkibit balikat lang naman ito bilang sagot sakin kaya di ko na lamang sya pinansin at nagtungo na ulit sa aking cubicle.

Ganun din naman ang ginawa nya at dahil wala pa naman ang iba naming katrabaho ay kita kong naglalaro pa sya sa pamamagitan ng pag-ikot habang nakasakay sa kanyang office chair.

'Tinakasan na talaga ng bait si Mars,' napapabuntong hininga ko pang sabi sa aking sarili habang nakatitig sa maliit na action figure ni Iron man na nakapatong dito sa aking table.

Mahalaga ang bagay na ito sakin dahil regalo pa ito ng yumao kong mga magulang, kahit mahirap ang buhay namin sa probinsya dahil magsasaka lamang ng palay ang aking tatay at nasa bahay lamang naman ang aking nanay. Hindi man nila maibigay lahat ng gusto ko dahil sa kahirapan ay busog na busog naman ako sa pag mamahal nila.

Mula sa pagkakatanda ko, dahil sa pagkahilig ko kay Iron man ng unang beses ko itong mapanuod sa TV ng kapitbahay ay talagang humanga na ako dito. Para sakin ay napaka astig nitong super hero, lagi ko itong ikinukwento sa aking mga magulang.

Ramdam ko din ang inggit kapag nagpapayabangan ang mga kaklase ko habang dala nila ang mga laruan at gamit na may mukha ni Iron man.

13th birthday ko noong iregalo ito sakin ng aking nanay at tatay, wala man kaming handang pagkain dahil wala kaming pera, nalaman kong pinag-ipunan pala  ito ni tatay para lang maibigay saking kaarawan.

🌈MIRACLE BABY [BL/MPREG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon