MB 32

1.7K 175 76
                                    

I hope you enjoy reading this chapter 💕

THIRD PERSON'S POV

Makalipas ang kalahating oras ay nakarating na rin ang sinasakyang taxi nina Gino sa kanto na bababaan nila. "Salamat po, ito ang bayad,"saad niya sa driver bago bumaba ng taxi.

Mabuti na lamang at di nakatulog ang dalawa sa byahe sigurado kasi siyang hindi niya kayang buhatin ang mga ito pauwi sa kanyang apartment.

Katulad nga ng inaasahan niya, pagkababa pa lamang nila sa taxi ay yumuko na sa isang tabi si Jewel at sumuka.

Lalapitan na sana niya ito ng mapansing nagtatakbo palayo si Mars habang nagkakanta pa.

"MARS!! Saan ka pupunta!" sigaw pa niya.

Di naman sya pinansin nito at nagpatuloy sa paglayo.

Di niya tuloy alam kung sino uunahin na lapitan, napagdisisyunan nyang habulin muna si Mars bago pa ito makalayo.

Pagod siyang nakabalik sa kinalalagyan ng tapos ng sumuka na si Jewel habang higit-higit sa braso ang maingay na si Mars.

'Psh pakiramdam ko may alaga akong dalawang 5 years old na bata, jusko.'

Dahil malapit na sila sa kanyang apartment ay minabuti na nyang magmadali sa paglalakad para maiuwi at mapatulog na ang mga lasing na kaibigan.

Pagpasok sa bahay ay hindi na siya nasalubong ni Miggs dahil kita niya na tulog na ito sa baba ng sofa.

Ilang sandali pa ay napapunas na lamang ng noo si Gino ng matapos itulak sa kanyang kama ang dalawa.

Dahil sa pagkalasing ng mga ito ay mabilis na dinalaw ng antok. Hindi nya mapigilan na mapailing dahil sa pagod na dala ng pag iintindi nya sa mga ito.

"Wala akong magagawa, mga kaibigan ko naman sila," bulong pa niya sabay lakad patungo sa banyo para makapagpalit ng damit.

Pagpasok pa lang niya sa kwarto ay napaisip siya.

'kung ukupado na ng dalawa ang kama ko, saan ako tutulog?'

Napadako ang kanyang pangin sa kutson ni Cain at napatango.

Inilatag nya ito sa sahig, kinuha rin nya ang kumot at unan ni Cain para iyon ang gamitin.

Habang ginagawa ang lahat ng iyon ay hindi nya mapigilang manumbalik ang pakiramdam at alaala.

Dati lagi syang nakangiti at masaya habang inaayos ang kutson na ito dahil para ito kay Cain.

Pero ngayon, walang cain at siya lamang ang hihiga dito.

Siguro dahil sa tama ng alak sa kanyang sistema ay bigla na lamang syang naging emosyonal lalo na ng makahiga sya at maamoy ang natural na amoy ng lalaking laging nakahiga dito.

Ang unan, kumot at kutson ay ka amoy ni Cain, di niya mapigilan ang sarili na mangilid ang mga luha dahil sa pangungulila na nadarama.

Ilang araw pa lamang pero malaki na ang nagiging epekto ng pag alis nito sa buhay noya.

Ang lalo pang nagpalungkot sa kanya ay ang hindi manlang pagtawag nito kahit isang beses mula ng umalis ito at iwan siya.

'Di ba niya ako nami-miss? Kasi ako miss na miss ko na ang malalim niyang boses na laging tumatawag sa pangalan ko, gano'n rin ang mainit nyang yakap at mga tipid na ngiti.'

Dahil sa mga iniisip ay napakayap na lamang sya sa isang unan at doon tumulo ang kanyang mga luha.

May hikbi na namutawi sa kanya dahil sa lungkot na nararamdaman, nakatulog na sya na ang tanging iniisip ay ang lalaking kanyang hinihintay.

🌈MIRACLE BABY [BL/MPREG]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang