MB 33

1.4K 145 55
                                    

I hope you enjoy reading this chapter💕

[Miggs in the multimedia ❤️🐶]

Nang imulat ni Gino ang kanyang mga mata ay purong kadiliman lamang ang kanyang nakikita.

'N-Nasaan ako?' aniya habang inililibot ang paningin.

Wala siyang maaninag na kahit ano sapagkat nababalutan ng kadiliman ang buong paligid.

Nakatayo siya sa kawalan, ang malamig na simoy ng hangin at ang tunog ng paghampas ng alon mula sa di kalayuan ang tanging nagsasabi sa kanya na nasa tabing dagat siya.

Ang liwanag ng buwan ay natatabunan ng makakapal na ulap kaya naman di siya nito matulungan para makita ang lugar kung nasaan siya ngayon.

'Pamilyar ang tagpong ito, nangyari na ba ito noon?'

Naguguluhan man sa nangyayari ay sinubukan nyang maglakad at bagtasin ang madilim na daan.

Habang patuloy ang kanyang paglalakad ay unti-unti namang sumisilay ang liwanag ng buwan sa madilim na kalangitan dahil dito ay nagkakaroon ng kaunting kaliwanagan ang kanyang paglalakbay.

Nakatungo ang kanyang ulo habang nakikinig sa malakas na tunog ng paghampas ng alon at pilit inaalala ang pamilyar na tagpong ito.

'Ang malamig pero maalat na simoy ng hangin.'

'Ang tunog ng alon.'

'At.... At ang mahina pero rinig na yabag ng mga paa.'

Mabilis na napatunghay si Gino mula sa kanyang pagkakatungo ng maalala ang eksaktong pangyayaring ito.

Napatigil siya sa paglalakad para hintayin na masilawan ng liwanag ng buwan ang tao na naglalakad palapit sa kanya.

Kinakabahan pero may halong pananabik ang kanyang nararamdaman.

'Kung 'di ako nagkakamali ay ito ang panahon na dadating ang lalaking tutulong sa akin, sa wakas ay makikilala ko na siya.'

Unti-unti ang pag-gapang ng liwanag sa buong paligid habang pabilis naman ng pabilis ang naririnig nyang yabag na papalapit sa kanya.

Thump

Thump

Habang lumilipas ang bawat minuto ay pabilis ng pabilis ang tibok ng kanyang puso.

Gumuhit ang ngiti sa kanyang labi dahil sa nararamdamang pagkasabik na makilala ang lalaki na matagal na nyang hinahanap.

Palapit nang palapit ang tunog ng yabag nito, hindi maintindihan ni Gino sa kanyang kalooban pero nakaramdam sya ng takot ng mapansing biglang naglalakbo ang misteryosong lalaki palapit sa kanya.

Nang masinagan ng liwanag ng buwan ang itsura at mukha ng lalaki ay di napigilan ni Gino na mapasigaw sa takot.

Ang lalaki sa dilim ay naging ang lalaking nanloob sa kanyang bahay, ang mga mata nito na may pagnanasa ay talagang nagpalamig sa buong katawan niya.

Bago pa ito makalapit sa kanya ay naisigaw nya ang pangalan ng taong laging nasa isipan niya.

"CAIN!!!"

"PWAHH!" Humahangos na nagising si Gino at napaupo sa kanyang higaan.

Habol ang kanyang hininga dahil sa bilis at lakas ng tibok ng kanyang puso.

Pilit nyang pinapakalma ang sarili habang hinahaplos ang kanyang dibdib.

'M-Mabuti naman at panaginip lamang iyon.' Sabay punas niya sa pawisang noo.

🌈MIRACLE BABY [BL/MPREG]Where stories live. Discover now