MB 1

6.6K 268 47
                                    

"Repeat"

"Repeat this"

"Repeat this again!!!"

"What the heck, Mr. Dimapilit! Can't you do your God forsaken job properly?"

Napapikit na lang ako sa takot dahil sa pagsigaw ni sir Yuan sa akin, inihampas pa niya ang folder na hawak sa table habang nanglilisik ang mga mata na nakatingin sa akin.

"S-Sorry po sir, uulitin ko na lang po," nauutal na paghingi ko pa ng paumanhin habang nakayuko.

"Uulitin? Ilang beses mo na itong inulit! Mr. Dimapilit, can't you just make a simple report without a mistake?" galit na sabi pa rin niya kaya nanatili na lamang akong tahimik at nakayuko.

Dahil sa hindi ko pagsagot ay narinig ko na lang na napabuntong hininga siya."Sumbit the revise version later, siguraduhin mo na maayos na iyon kun'di magpaalam ka na sa trabaho mo," mahinahon na sabi na niya kaya mabilis akong tumango habang kinukuha ang folder na naglalaman ng report ko.

Bagsak ang balikat ko na lumabas sa opisina ng aming boss dito sa kumpanya. Hindi ko naman masisisi si sir kung bakit siya nagagalit sa'kin, hindi kasi ako makapag-focus sa trabaho kaya 'di ko matapos nang maayos ang simpleng bagay na ipinapagawa n'ya.

May gumugulo kasi sa aking isipan, ilang araw na rin ang nakalipas pero hindi pa rin ako nito pinatatahimik.

"Musta Bhes? Ano sabi ni boss?" bulong pa ng kaibigan kong si Marcel or Mars for short nang makabalik ako sa aking table.

Tumingin naman ako sa kanya ng patagilid habang tumatakbo sa aking isip ang mga bagay na ito.

'Lakas mo magtanong Mars, eh ikaw nga ang may dahilan kung bakit hindi ako makapag-focus'

"Alam ko kung anong iniisip mo, okay? Sorry na talaga, hindi na ulit kita isasama sa mga party," aniya habang nakataas pa ang mga kamay na parang sumusurrender.

Napailing na lamang naman ako bago sumagot sa kanya. "Napagalitan lang naman ako, at saka pinagbantaan na tatanggalin sa trabaho."

"Sus, puro banta lang naman yang si Sir Yuan, ilang beses na bang sinabi yan sayo pero di ka pa rin naman n'ya tinatanggal," sabi pa niya habang nakataas ang kilay.

Hindi ko alam pero tama ang sinabi ni Mars, mahigpit at strikto si sir sa iba, maliit na pagkakamali lang ay hindi na n'ya ito binibigyan ng second chance pa.

Hindi naman sa pag aasume pero mukhang may soft spot ata sakin si sir o awa? Ewan ko basta pinagbibigyan n'ya ako.

"Wag ka na ring humingi ng pasensya, matagal na kitang napatawad Mars," nakangiting sabi ko pa sa kanya kaya napatingin siya sa'kin na parang nakakita ng angel.

"Hayss lalo tuloy akong nakukunsensya n'yan eh, wag kang mag alala tutulungan na lang kitang gumawa n'yang report mo," nakangiti pang sabi niya kaya napatawa na lamang ako at tumango.

Habang binubuhay ko ang computer ay hindi ko mapigilan na bumalik sa aking alala ang nangyari dalawang araw na ang nakakalipas.

Ang mga pangyayari na nagbigay ng matinding pagkalito sa aking isipan.

"Bhes, wag ka naman tumulad dyan sa epelyedo mo," napapakamot pa sa ulo si Mars habang naglulunch kami sa cafeteria ng kumpanya.

"Wag mo nga isali ang epelyedo ko dito, hindi ko kasalanan na DIMAPILIT ang naging epelyedo ko ah," ani ko naman sa kanya habang kinakain ang baon kong pagkain.

Hayss hindi na naman ako titigilan nitong si Mars, kahit kailan kasi ay hindi ko siya pinagbigyan pagdating sa mga ganitong bagay.

Kahit mag best friend kami ay hindi ako mahilig sa mga get together at mga party katulad niya. Siguro dahil parehas kaming bakla kaya malapit ang loob namin sa isa't isa.

🌈MIRACLE BABY [BL/MPREG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon