MB 21

1.5K 126 26
                                    

3RD PERSON'S POV

PAGPASOK ni Gino kinabukasan ay nakasabay muli niya sa elevator si Yuan kaya nagpasalamat siya dito.

"Sir, salamat po talaga sa movie kagabi."

"Wala yun, ang mahalaga ay nag enjoy ka," nakangiti pa nitong sagot sa kanya.

Puno ang mga elevator kaya tinulungan muli siya nito na makasakay sa private elevator ng mga supervisor at manager ng kumpanya.

"Sobra po akong nag enjoy."

"Masaya akong malaman yan, lalo na at mahalaga ka sa'kin."

"Ano po yun?" naguguluhan pa nyang tanong dahil hindi nya narinig ang huling sinabi nito.

"Wala naman," malambing na sagot pa nito kaya isinawalang bahala na lamang niya iyon.

Wala namang gaanong naging pangyayari sa araw na iyon kaya natapos ang buong maghapon niya na kay bilis.

▼△▼△▼△▼△

LUMIPAS ang ilang araw mula ng magkasama sina Gino at Cain sa panunuod ng movie.

Nang gabi ding iyon, sa unang pagkakataon ay nilakasan niya ang kanyang loob at nagsend ng message kay Cain na nagsasabi na ingat ito sa pag-uwi.

Mula noon ay nakakatanggap na siya ng ilang message at tawag galing dito. Gusto man niyang pigilan ang sarili na hindi isipan ang gwapong callboy ay para itong kabute na lagi na lamang sumusulpot sa kanyang isipan.

"Bhes Gino," napatingin siya dahil sa pagtawag ng kanyang kaibigang si Mars.

"Ano yun, Mars?"

"Kinakabahan kasi ako bhes," sagot pa nito na bakas ang kaba sa mukha nito.

"Bakit naman?" nagtatakang tanong pa niya.

"Nakalimutan mo na ba, dalawang araw na lamang ay babalik na sina Elvin at Eldran dito. Naku, baka gantihan ka nila. Kailangan na ba nating kumuha ng bodyguard?" nagmamadali at natatarantang pahayag pa nito kaya napatawa siya.

"Mars, relax ka lang ha. Okay lang ako, at saka di ba sabi naman ni sir ay wag na tayong mag alala pa," aniya pa dito para di na ito mag-alala pa.

"Hays, sana nga bhes, basta ingat ka lagi ha."

"Oo naman Mars, salamat sa pag-aalala mo para sa'kin," nakangiti pa nyang turan kaya pinisil na lamang nito ang pisngi niya.

Dahil tapos na ang 30 mins break nila ay bumalik na sila sa kanilang cubicle para ipagpatuloy ang pagtatrabaho.

Habang abala si Gino sa kanyang mga ginagawa ay bigla na lamang nag vibrate ang cellphone nya na nakapatong sa kanyang tabi.

Mabilis niya itong dinampot at tiningnan kung sino ang nag txt sa kanya.

CAIN: Do you want to go somewhere after work?

Naipatong na lamang niya ang kanyang ulo sa table habang pinag iisipan ang pwedeng isagot dito.

Napakagat labi pa siya habang nagta-type ng kanyang sagot dito. Ang kanyang reaksyon ay parang isang highschool girl na biglang napansin ng kanyang crush.

'Goodness, nakakahiya ako,' isip-isip pa nya habang ibinabalik sa pagkakapatong ang cellphone sa dati nitong lugar.

Hindi nya alam na nakatingin pala sa kanya si Mars kaya nagulat siya ng magsalita ito.

"Sino yung nagtxt sayo?" tanong pa nito habang nakataas ang isang kilay.

"W-Wala Mars, Globe lang yun ?" pagpapalusot pa nyang sagot dito.

🌈MIRACLE BABY [BL/MPREG]Where stories live. Discover now